Chapter 28
Problem
Time flies so fast and akalain niyo yun? 2024 na! Parang nung isang araw nagcecelebrate pa ko ng new year, new life ko tapos biglang goodbye 2023 na at hello, 2024! But anyway, new year new life na naman ang writer niyo dahil sinimulan ko talaga ang taon sa pag-update ng story ko! Sino ba kasing nagsabi na kung ano ang sinimulan mo sa bagong taon ay madadala mo hanggang sa pagpapalit ng taon?
Edi ang bebe ko na kung makapagdemand ng update mula sa'kin, asawa ko? Asawa ko?
Syempre, in the future! Enebe kasi!
After iproof read ang sinulat kong chapter 27 na ewan ko ba kung hanggang anong chapter 'to kasi parang nagiging diary ko na lang 'tong story ko ng pagsinta ko kay Marxille Writes este! Javen Nash Solivar-Llanera. CHAROT! Ako pala ang magpapalit ng apelido.
I pressed the enter and voila! Congratulations! You just published Chapter 27! Awit! Oh. sino ka dyan? Nakapag-update ang lowla niyo! Baka inspired yan! Kung hindi niyo naitatanong kung magkano ang napamaskuhan ko, well, mas malaki pa sa lahat ng napamaskuhan niyo, ikaw ba naman magkaroon ng bebe time na extended hanggang new year, sinong hindi maiinspire niyan?! And take note ha, my bebe time with my bebe is priceless so talagang hindi yun matatapatan ng mga napamaskuhan niyo!
Marxille Writes:
nice, ganito ka pala kinilig sa'kin nung hinarana kita ah HAHAHAHAHA
Cyanara Manunulat:
lol
Syempre hindi ko aaminin na sobra pa talaga sa sinulat ko yung kilig ko nung time na yun 'no! Nag-open ako ng RPW ko at nakipag-interact sa aking mga RP friends! I miss them so much since matagal din akong naging inactive dahil sa school and alam niyo na, sa past problems namin ni Marxille.
Natigilan ako sa pagcecellphone nang maalala ang mga oras na yon. Noong panahong akala naming dalawa ay nagchecheat kami sa mga jowa namin, not realizing that it's also us. Ways of destiny nga naman for the two people who's in love. Destiny's ways to test if their really meant to be together. And I think, Javen and I surpassed that, right?
Maybe if there are no playful twists destiny has up its sleeve, Javen and my bond might not be this strong. Dahil sa mga lintik na paglalaro sa amin ni tadhana noon, mas matatag kami ngayon. Kaya ang mga murang sinabi ko noon sa kanya ay binabawi ko na, I love how everything falls into its right places.
Marxille Writes:
Langga, do you remember when I asked you why you were in RPW?
Cyanara Manunulat
Yep, I still remember what I answered.
Marxille Writes:
If I asked you again, would your answer still be the same?
Natigilan ako sa message na yon. Maging ako ay napatanong sa sarili ko. Do I still prefer RPW over my real world? Napangiti ako nang may maisip.
Cyanara Manunulat:
After everything that happened,
my answer wouldn't be the same as before.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Fiksi RemajaThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...