Chapter 13
Girl
Ilang beses na kong napahikab habang nagtatype ng chapter sa laptop. Napahilot ako sa sintido at napatingin sa orasan. It's past two in the morning but I'm still awake and writing.
Isang linggo rin kasi akong hindi nakapag-update dahil busy sa studies at distracted kay Marxille. Ngayon lang ulit na weekends ako nakabawi at nagkaroon ng sobrang daming motivation at inspiration.
Tinanggal ko ang reading eye glasses ko at nangalumbaba habang binabasa ang tinaype kong eksena. Napangiti ako dahil sa tingin ko, bumabalik na ang kilig at nasa kalagitnaan na ko ng storya. Pakiramdam ko, malapit ko ng ilabas ang climax part ng story.
Pakiramdam ko nga, lahat ng mga nangyayari sa'min ni Marxille ay isinusulat ko na sa story na ito. Para bang automatic ang kamay ko sa pagtype ng chapter at doon ilalahad ang lahat nang nangyayari sa'ming dalawa.
Ang mga linya... ang bawat eksena... isang pangarap ng isang writer na unti-unting nagkakatotoo.
Marxille Writes:
langga sorry = (Friday nang gabi nang makatanggap ako ng mensahe kay Marxille. Hindi ko siya chinat nung nakauwi ako nang hapon dahil naisip ko na intayin na lang siyang magchat. I decided to give him space dahil baka may problema nga na hindi niya masabi. Iintayin ko na lang siyang magchat at open up sa'kin.
Matutulog na sana ako non ng bigo dahil wala pa rin siyang message nang bigla siyang nagchat. Nanginginig kong tiningnan ang message niya, kasabay nang pagngiti ko sa saya ay ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Masaya ako dahil bago matapos ang araw na yun, nagparamdam siya. Pero hindi ko napigilan malungkot sa simpleng chat niya.
Tama ako, hindi lang simpleng pagod. May problema kami.
I pulled myself together and wiped off my tears. I think it's the right time to talk about it. Bakit pa patatagalin, diba? Kung pwede namang pag-usapan ngayon? Mas lalo lang kaming masasaktan, ako---kung patatagalin pa.
Cyanara Manunulat:
I know we have a problem. Mind to share it with me, Marxille? Para naman mainform din ako at hindi lang nasasaktan sa cold treatment mo, ano?
Ilang minuto ang lumipas bago siya nagreply.
Marxille Writes:
Cy, I don't mean to treat you coldly. I never want you to be hurt. That's why I keep this to myself. Dahil ayokong mag-alala at magalit ka sa akin. Ayokong mag-away tayo.Cyanara Manunulat:
Hindi pa ba ko nag-aalala, Marxille? Sabihin mo nga, sinong hindi mag-aalala kung ang boyfriend mong RP ay biglang hindi nagparamdam? Sinong hindi mobobother if from sweetness, her boyfriend became cold?
Cyanara Manunulat:
At dahil sa coldness mo, at pagtatago ng problema, nasasaktan ako, Marxille. Nag-iisip ako ng kung ano-ano! Na baka nagsawa ka na sa'kin, na may bago ka na, na hindi mo na ko mahal! Kung ano-anong pumapasok sa isip ko, I asked you if there's a problem pero ano? Mas pinili mong itago kaysa iopen-up sa'kin? Hinayaan mo kong mag-alala at kainin ng sarili kong takot.
Nilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko simula kahapon. At hinayaan niya lang ako.
Cyanara Manunulat:
I am disappointed of you, Marxille. Mas ginusto mong sarilinin yan kaysa sabihin sa'kin. Mas ginusto mong mag-alala ko at matakot. RP na nga lang 'to e, internet love lang. Pero bakit ganun? Nasasaktan ako. Nagagawa mo pa rin akong saktan. At ano, kung hindi natin pag-uusapan ngayon, kailan pa? Balak mo bang patagalin 'to?

BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...