Chapter 25
Endgame
"Pasok guys, wag kayong mahiya..." sabi ni Dawin nang buksan ni Nari ang gate ng bahay at parang nakatira dito na nauna pang pumasok.
Tumaas ang kilay ko habang pinapanood siyang pinapapasok sila Myrtle at Dred na tila nahihiya pa. Bahay mo 'to, Dawin?
Natawa si Javen na nakita yata ang reaksyon ko. "Guys, pagpasensiyahan niyo na si Dawin, hindi pa kasi yan nakakainom ng gamot niya."
Nagtatawanan kami nang lumabas si Mama, nagmano ang lahat sa kanya. Binati ko rin ang aso kong si Marxille at nagulat ako ng lumapit ito kay Myrtle at amuy-amoyin.
Napaatras naman si Myrtle at para bang natatakot. "Mabait yang si Marxille, Myrtle. Tsaka, don't worry, malinis yan at kakaputol lang ng ngipin at kuko niya." Pinutulan kasi ito ni Papa nung isang araw.
Pero patuloy pa ring umaatras si Myrtle habang nakangiwi. Natawa kami sa kanya, tinawag ni Dred si Marxille at dahil mukhang pet lover si Dred ay napalapit agad ang aso sa kanya.
"Ayaw sa'yo ni Myrtle babes? Gusto mo naman yun. Pareho tayo, doggie." pagdadrama ni Dred at hinalikan ang ilong ni Marxille.
"Yuck!" Nandiri si Myrtle at umirap kay Dred. Kumindat naman ang huli sa kanya.
"Arte." bulong-bulong ni Nari na nasa tabi ko. Natawa ako sa kanya.
"Yaan mo na. Ganyan talaga ang mga hindi pet lover." sabi ko.
"Selos ka lang e." pang-aasar ni Dred kay Myrtle. Napasigaw na lang si Myrtle nang biglang ilapit ni Dred ang tuta sa kanya. Nagtawanan kaming lahat nang habulin ni Dred si Myrtle buhat si Marxille ko.
"Aling Eliza, magluluto po sana ko ng pancit canton. Merienda po." rinig kong sabi ni Jerou, kausap si Mama. May dala-dala siyang supot kung nasaan ang binili niyang sampung pirasong pancit canton.
After school, nakapagdesisyon ang grupo na sa bahay ko na lang unang gawin ang Chapter 1 ng research paper namin. At sagot ng kaibigan kong si Jerou ang merienda. May hiya kasi yan e, di tulad dito kay Dawin na mas mukhang dito nakatira kaysa sa'kin.
Tingnan mo ang kengkoy, kasalukuyang nag-aayos ng mesa at upuan dito sa terrace kung saan kami mag-gagawa. At dahil may hiya rin ako, tinulungan ko na siya.
"Ma, magstart na po kami sa research paper namin. Yung mga yun, groupmates ko po." sabi ko at tinuro isa-isa ang mga hayupak na nag-aayos na ng study area namin. Hinanap ng mga mata ko si Nari at natanaw ko siya sa kusina. Tinutulungan mag-gawa si Jerou ng merienda.
"Pito kayo lahat? Ayos yan para mabilis niyo matapos. Mga nagpaalam ba yan sa kanila, Elisha, na dito sila didiretso?" sabi ni Mama habang nilalaro ko naman si Elena na patawa-tawa sa kuna niya.
"Opo, Ma." natatawa kong sabi. Lumapit sa'min si Mama at kinuha sa crib si Elena at nilagay sa sahig na may mat para makapaglaro at matutong maglakad-lakad.
"Elisha, kanina kamo ay nakapagsalita si Elena nang Ma-Ma." nakangiting sabi ni Mama kaya napangiti ako sa tuwa.
"Hala, marunong ka na magsalita, baby? Say Ate nga. A-te." I giggled when instead of saying ate, she hugged me. "Sabihin mo A-te. Dali na, baby Elena, A-te." sabi ko at pinakita ang pagbuka ng bibig ko. "A-te."
She just smiled and giggled. Napansin kong parang may nakatingin sa'kin kaya napalingon ako sa side ni Mama at nakita sa tabi niya si Javen na kinukuhanan kami ni Elena ng picture.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Ficção AdolescenteThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...