Chapter 21
Finally
Hindi ko alam kung ako lang pero ang awkward talaga.
Kasalukuyan na kaming nasa hapag-kainan at pare-parehong nakaupo pero bakit parang nag-iintayan kami kung sinong mauunang magsandok?
Napatingin ako kanila Mama at Papa, seryoso ang mga mukha nila at hanggang ngayon ay parang nastarstruck sa sinabi ni Javen kanina bago kami makapasok sa bahay. Habang ako naman, hanggang ngayon, kinikilig sa linyang hindi ko maintindihan.
Hanggang ngayon ay pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko, hindi lang dahil sa sinabi ni Javen kanina kundi nahihiya rin ako dahil nalaman niya...
"Marxille!" Bumungad ang aso namin sa pagbukas pa lang ng gate. Tinawag ito ni Nari at sinalubong. Doon ko lang naalala na pinangalan ko sa aso ko ay ang RPW name ni Javen.
"May aso pala kayo..." usal ni Dawin at agad lumapit kay Nari para himasin din ang aso. Natigilan ako habang nakatingin kay Marxille na tinahulan si Dawin.
"Marxille ang pangalan ng aso niyo?" Doon ko lang narealize na katabi ko na pala si Javen. Mabilis akong lumingon sa kanya dahil sa tanong niya. Kinabahan ako ng unti-unti rin siyang lumingon sa'kin.
"A-ah... oo..." kabadong usal ko at bahagyang lumayo. Natawa siya at lumapit din kay Marxille the dog.
Kumpara kay Dawin kanina, hindi tumahol kay Javen si Marxille. Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan sila. Para bang matagal nang kilala nitong si Marxille the dog si Javen.
Siguro nagkaroon sila ng lukso ng dugo dahil ang pangalan ni Marxille the dog ay kinuha ko kay Marxille bebe.
"Arte ng aso niyo ah, may favoritism." reklamo ni Dawin dahil nagulat ito sa kakaibang pagtanggap ni Marxille kay Javen. Samantalang sa kanya ay tinahulan siya.
Tumawa kami ni Nari sa kanya, lumapit ako sa kanila. "Aso ko yan, Dawin. Siguro nafeel na na bwisit ako sa'yo kaya ayaw niya rin sa'yo." Umirap ako.
"Luh, anong ginawa ko sa'yo?" Hindi ko siya pinansin at tinuon ang atensyon kay Javen at Marxille.
"Hindi na ko magtatanong kung saan mo nakuha ang pangalan mo. Walang duda, baliw na baliw sa'kin ang amo mo."
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Javen na ngayon ay nakangisi habang nilalaro si Marxille. Nagpanting ang tenga ko at nag-init ang pisngi.
Sumulyap siya sa'kin kaya madali akong nagtungo sa pinto para buksan. Nauna na kaming pumasok ng bahay dahil kinuha muna ni Mama't Papa si Elena.
"Pasok kayo..." alok ni Nari kanila Javen at Dawin. Dumiretso ako sa kwarto para ilagay ang gamit ko. Magbibihis sana ko kaso nahihiya ako kay Javen kaya mamaya na lang pag-alis nila.
Bumaba ako at nakitang mag-isa lang si Javen sa sala. Naghuhurumentado na naman ang puso ko nang magkatinginan kami. Napalingon ako sa kusina dahil naririnig ko doon ang boses nila Nari at Dawin.
"Langga..." Natuod ako sa kinatatayuan ko sa mahinang tawag niya. Marahan siyang tumayo habang napigil ko ang hininga. Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang kaba at hiya.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Fiksi RemajaThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...