Chapter 10

32 6 2
                                    

Chapter 10

Partners

Hindi ko alam kung paano ko nakauwi dahil hanggang sa makarating sa bahay ay nakatulala ako at sinasariwa ang lahat ng sinabi sa'kin ni Javen. Kung hindi yata ako sinampal ni Nari, siguradong hanggang ngayon ay nalulunod na ko sa magagandang salita ng bisaya boy na yun.

"INDAY, ANO BANG NANGYAYARI SAYO AH?! KANINA KA PA WALA SA SARILI!" Nasa lahi na siguro talaga nila Mama ang nakalunok ng microphone sa lakas ng boses. Buti na lang talaga hindi ako nagmana.


"Day, ano na?! Magsalita ka! Omg, may nasabi ba si Jaben na nakakawindang? Sinabi ba niyang gusto ka niya? Or sinabi ba niyang, "Can we be partners forever? I love you, Elisha." Ganun ba, day? Omg! Narealize mo na bang mas gwapo si Jaben kaysa kay Marxille mo?! OMG! Hinalikan ka ba niya kaya kanina ka pa kulay kamatis? OMG, INDAAAY!"

Napangiwi ako sa mga sinabi niya at nandidiri siyang hinampas sa braso. Natigil naman siya sa pagtili at sinapo ang braso niyang hinampas ko.

"Gaga, kilabutan ka nga! Kailanman ay hindi pumasok sa isip ko yang mga sinasabi mo at never yang mangyayari. Kadiri." bulyaw ko at napairap.

Gaga talaga 'tong si Nari, hindi kami talo ni Javen. May boyfriend ako at may girlfriend yon. Mahal ko ang boyfriend ko kahit hindi ko pa siya nakikita. At kahit wala akong boyfriend, hindi ko gugustuhin ang Javen Solivar na yun! Kahit siya na lang ang lalaki sa mundo!

Weh, Elisha? Gwapo si Javen, maganda katawan, moreno, sinabihan kang maganda---HE! Marxille lang, sapat na!

Mabilis kong kinuha ang phone ko at binuksan ang wifi. "K, fine! Pero bakit namumula? Pagkatapos niyong mag-usap ni Jaben? Ano bang sinabi non sa'yo?" malisyosang tanong ni Nari.

"Teh, chismosa lang? Wala! About lang dun sa kay Maam Camilla." sabi ko habang tinitingnan kung may chat si Marxille pero... wala?

Wala siyang chat?

It's four thirty in the afternoon, mga ganitong oras may chat na siya sa'kin at kinakamusta ang araw ko sa school. Pero sa hapong ito, wala siyang chat.

Napasinghap ako at hindi maiwasang mag-alala. Bakit hindi pa siya nakakapagchat? Nasa school pa rin ba siya?

Cyanara Manunulat:
Ali

Cyanara Manunulat:
Infairness, ako unang nagchat sa'yo ngayon ah. Di ka pa ba nakauwi? Nasa school ka pa ba, Ali ko?

Cyanara Manunulat:
Chat mo ko agad pag ol ka na. Mish you.


"Anyare? Hindi ol jowa mo?" Napaangat ako ng tingin kay Nari na nasa gilid ko at nakasilip sa convo namin. Pinatay ko agad ang cp ko. Ang chismosa grabe.

"Hindi. Busy yata." sabi ko na lang at napatulala sa kawalan. Iniisip kung ano ang posibleng ginagawa ngayon ng bebe ko.

"Hmm, busy? Dyan nagsisimula masira ang isang relasyon. Pero busy nga ba talaga? Saan? Sa bagong babae?" Agad kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Anong sinasabi mo? Na kaya hindi nakapagchat sa'kin si Marxille ngayon dahil... may babae siya?" nanlalaki ang matang usal ko at natawa kay Nari. Hindi makapaniwala. No way. Hindi magagawa sa akin yun ng bebe ko.

"Ang lawak ng imagination mo pinsan ah? Gusto mo ring maging writer?" Tinaasan ko siya ng kilay, natatawa pa rin. Ni hindi yan pumasok sa isip ko at nakakainis dahil ngayon pumapasok na sa isip ko at nagsisimula na kong mag-isip ng kung ano-ano.

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon