Chapter 12
Talk
"Elisha?" patanong na sambit ni Javen sa pangalan ko. Napasinghap ako at naibaba ang kamay na nakahawak sa dibdib. "Okay ka lang ba?"
Humakbang siya palapit sa'kin. I can see worried in his eyes. Nanliit ang mga mata ko. Kanina sa classroom parang wala siyang pakialam sa'kin tapos ngayon, nag-aalala siya?
Naks! Hindi lang pala si Nari ang moody pati rin pala si Javen.
Napatikhim ako at kinalma ang sarili o sabihin na nating kinalma ang puso.
"Well, bakit ka nga nagsosorry? Nagsosorry ka na ba sa pagiging bugnutin at masungit sa'kin?" pag-iiba ko ng usapan. Nawiwirduhan na yata sa'kin 'tong hayop na 'to.
Napatitig siya sa'kin at biglang natawa. "Bugnutin at masungit ako sa'yo?" nakangising tanong niya. Pilit akong natawa at sarkastiko siyang nginitian.
"Hindi ba?" inis na usal ko na tinawanan niya lang. Napairap ako at napalingon sa babaeng papasok sa cr. "Anyway, may sasabihin ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Ahm, thank you rin." usal niya at sinilid sa bulsa ng slacks ang isang kamay. Ang isang kamay naman ay tulad ko, may hawak na libro kung saan nakaipit rin ang drawing niya na ipapasa namin ngayon kasama ang libro.
"Saan naman?" nagtatakang tanong ko at nagsimula nang maglakad. Sumabay naman siya sa'kin na nagpaactivate na naman sa heart cells ko. Gago talaga 'tong puso ko. Kung kani-kanino na lang tumitibok.
Hoy, malandi kong puso, dapat kay Marxille Writes ka lang tumitibok ng ganyan!
I unconsciously scratch my head in stress because of my weird heart. Hay, seloso pa naman si Marxille bebe. Tsk!
"Sa... mga sinabi mo. Natauhan ako sa mga sinabi mo kanina. Kaya salamat at sorry din, mukhang may pinagdadaanan ka."
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa'kin. Tumawa ako sa huling sinabi niya. "Taray! Grabe naman sa pinagdadaanan, wala kong pinagdadaanan 'no! Very okay kaya ako! At," kuryoso ko siyang tiningnan. "Natauhan ka sa mga sinabi ko?"
Napabuntonghininga siya at hindi nagsalita. He just seriously continued walking with his one hand slid in his pocket. Siya yata ang may pinagdadaanan e.
I sighed and walked with him. "Let me guess... nag-away kayo ng jowa mo?" Hindi naman talaga guess yun kasi nabanggit ni Dawin kanina nung lunch break na may problema si Javen sa buhay pag-ibig nito nang magtanong si Nari kung bakit tahimik at seryoso si Javen sa araw na 'to.
Tipid siyang lumingon sa'kin. "Hindi naman. Ako lang 'tong may problema." sagot niya at nagbaba ng tingin.
Napalabi ako at siniko siya. "Mahal mo ba ang girlfriend mo?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at napatitig kapagkuwan ay tumingin sa dinadaanan namin.
"Syempre. Mahal ko siya, nararamdaman ko, mahal ko siya." usal niya.
My chest hammered at the moment. Napatitig ako kay Javen na tulala sa dinadaanan namin, ni hindi ko namalayang nakangiti na pala ko habang nakatitig sa kanya.
Napalingon siya sa'kin at nahuli ang titig ko na agad kong inilingan at napaiwas ng tingin. Shocks, Shay! Ano bang kagagahan 'to? Nakakahiya! Anlande mo, Elisha Llanera!
Tumawa ako ng pilit nang maramdamang siya naman ang tumitig sa'kin. Napapikit ako sa inis. Kung nandito si Marxille, hindi niya magugustuhan ang makikita niya.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...