Chapter 1
First talk
What are the ways of destiny? Hmmm. Ano nga ba?
I stared at my laptop where I typed it. Maraming paraan si tadhana. At maraming klase non.
-Paraan ni tadhana sa buhay mo.
-Paraan ng tadhana sa pagtupad mo ng mga pangarap mo.
-Paraan ng tadhana para makita at makilala mo ang nakatadhana sayo.Paraan ng tadhana para makita at makilala mo ang para sayo.
Hmmm. Sometimes you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.
Sa bilyon-bilyon na tao sa mundo, iba-iba ang paraan ni tadhana para pagkitain ang dalawang taong nakatadhana sa isa't-isa.
Merong nagsisimula sa bulihan, sa away, sa pagkakaibigan. Meron ding nagkabanggaan lang, o kaya nagkausap ng sandali. Meron ding way si destiny na para pagkitain ang dalawang nakatadhana by love at first hold, love at first smile, at ang pinakaromantic at napakasweet sa lahat ay ang love at first sight.
Yung unang kita mo pa lang sa kanya, unang sulyap, mapapasabi ka na lang ng, "fvck! Ito na. Siya na." With your fast heartbeat.
Awiit! Sana all, diba?
"SHAY MAGHUGAS KA NA NG PINGGAN!" Napatalon ako sa gulat sa sigaw na yon ng aking mama.
Oh diba? Mama ko yan! Kung ang mga mother niyo ay the best mother in the whole wide world, or the best mother in the whole universe, ang mama ko? Awiit! The best din naman!
The best sa lakas ng boses sa kakautos sakin! Kaloka! The best sa pagsigaw ng, "MAGHUGAS KA NA NG PINGGAN!"
Anak ng!! Nahiya ako bigla sa plate!
At pumasok na nga sa loob ng makalat naming kusina ang mama ko na may mala-microphone na boses!
"Ano ba yan at nakaharap ka na naman sa laptop! Basagin ko yan eh! Unahin mo muna paglinis tas magsisisigaw ka pag may ipis?"
Meet my awesome mother, ang mama kong may golden voice na aabot yata sa mars ang boses! Awiit!
Ngumiwi ako sa kanya at madali ng sinara ang bagong laptop na binili ni Papa nung nakaraang linggo bilang award at regalo sakin sa pagiging top 3 ko sa klase namin. At dahil nagkamedal ako sa Grade 11.
"Eliza Theresa Llanera, hayaan mo na si Shay dyan. Gagawin niya yan. Tigilan mo na ang pagsigaw. Nagigising si baby Elena oh..."
At pumasok na rin si Papa sa kusina buhat ang three months old kong baby sister.
"Oo nga, Mama. Tsaka bago lang yung laptop, ang mahal kaya niyan kaya wag mong babasagin." pagtatanggol ko sa laptop at nagsimula ng ligpitin ang aming pinagkainan. Kakatapos lang pala namin magdinner.
Kinindatan ako ni Papa, natawa na lang ako. Meet my awesome father, masipag na sweet lover pa!
Siya ang matatawag na, the best father talaga! Siya lagi ang kakampi ko pagdating kay Mama.
"Yan ka na naman. Iniispoil mo kasi yang si Elisha kaya lumalaking maldita. Tingnan mo, inuuna na yung gadget kaysa gawain."
Nakatalikod ako sa kanila at nakaharap sa lababo. I frowned and I felt a sudden ache in my heart. Grabe talaga minsan 'tong magsalita si Mama.
Kung emotional ka, madali kang masasaktan. Napairap ako sa kaartehan ko.
"Sus, hayaan mo na. Dalaga na siya. Alam niya na ginagawa niya. Magkakaboyfriend na yan."
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Novela JuvenilThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...