"Huwag kang mawawala sa birthday party ni Ahma. Magwawala na naman iyon kapag hindi ka na naman sumipot."
Napangiwi ako sa sinabi ng pinsan kong si Kim. Naiinis ako kasi hindi naman kami magkasundo ng matandang iyon pero lagi akong hinahanap! Talagang gusto lang na pinapahiya ako, e. Kaya ako iyong gustong pagdiskitahan ng mga tiyahin ko. Ako iyong paboritong punain.
"Alam ko na kung saan 'to patungo, Kim."
Kim smirked.
"Sa-ab, my rebellious grandchild ever," sabay naming sabi. Natawa nalang kami. Paulit-ulit na kasi namin iyon naririnig kay Ahma. Naging title ko na 'yon tuwing may family gatherings. But it wasn't big deal to me anyomore. Pinapamukha pa naman sa 'yo.
Tumunog bigla ang cellphone ko. Hindi na rin nagtagal si Kate sa condo ko kaya sinagot ko na ang tawag.
"Hello—"
Sa-ab! Where are you? Pwede bang kunin mo 'tong bestfriend mo dito?! Lasing na lasing na! Baka mamaya, mapaaway pa dahil kung ano-ano nalang ang sinasabi!
It was Ashley's voice at ang ingay niya. Halatang nasa bar dahil sa dumadagundong na music.
Napapikit ako. Ang baklang iyon, lagi nalang talaga ako pinuperwisyo! Mag dadalawang buwan na simula noong may nangyari. Mag da-dalawang buwan na simula noong nagka-ilangan at dumistansya muna kami sa isa't isa kasi gago, ang weird nu'ng nangyari sa amin! Isipin mo, nag sex kayo ng bakla mong bestfriend?! Hindi na naman ako virgin pero ang pangit! Bestfriend ko pa naman siya. Bangungot para sa akin ang isipin na talagang naararo ako ng siraulong baklang iyon.
And besides, hindi ko aakalaing lahat ng pinagsamahan namin, mula pagkabata... hanggang sa magkamalay kami... my memories with him... nasira lang ng isang gabi?!
Sa-ab! Sige na... Kunin mo na.
As if naman may choice ako no!
I grabbed my keys and found myself inside my car. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang baklang iyon. Baka mamaya, pag tripan pa ng mga lalaki diyan, o edi lagot siya. Patay siya sa pamilya niya pag nagkataon.
Agad ko siyang pinuntahan sa Tagboan na sinasabing bar ni Ashley. Maingay agad ang bumungad sa akin. Naglakad ako patungo sa table nila at nakita siyang lasing na lasing. Kulang nalang idikit niya iyong mukha niya sa lamesa. Kasama ni Ashley ang boyfriend niya na halatang bad trip na dahil siguro hindi maka score dahil kasama nila si Leo.
"Hoy bakla!" Hinampas ko siya ng dala kong bag kaya gumalaw siya at napadaing. Napalakas ata kaya nagawa niyang idilat ang isang mata at tumingala sa akin.
Aba't inirapan lang ako ng gago!
"Kanina pa iyan! Inom lang nang inom, ayaw magpaawat sa amin! Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya." Ashley and her sour face.
"Naiinis na nga ako dahil—"
"Bernard!" sita ni Ashley sa boyfriend niya. "Hindi, Sa-ab. Talagang hindi ko lang alam kung anong gagawin kay Leo. Pasensya na kung ikaw ang natawagan ko kasi alam kong kaya mo ang bestfriend mo." paliwanag niya pagkatapos sapakin si Bernard sa harapan ko.
I sighed heavily. Pinukol ko muna ng masamang tingin ang kasama niya bago ko hinila sa kwelyo si Leo. Lasing na nga ang gago. Pulang pula na ang mukha niya pati na rin ang leeg niya. Umungol siya dahil sa pagkakahila ko.
"Bakla... Tara na. Uwi na kita," sabi ko.
Masunurin naman siya ngayon at hinayaan niyang hilahin ko siya patayo. Umakbay siya sa akin at muntik na kaming matumba dalawa.
Letse! Ang bigat niya!
"Iinom-inom tapos hindi naman kaya! Ano bang nangyayari sa iyo? Nag-away na naman kayo ng boyfriend mo?"
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
Lãng mạnWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...