Chapter 27

357 15 3
                                    

"I want strawberries, Mommy!" Pinulupot ni Dare ang kamay niya sa leeg ko.

Today is Sunday at nag-overtime ako kagabi kaya gusto kong bumawi ngayon sa pagtulog. I'm enjoying my rest nang bigla nalang akong binulabog ng anak ko.

"What?" Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko siya inalalayan sa hita at hinalikan sa labi.

"Ang aga mo namang nambulabog," I said as I lift him para makalabas na kami at makapaghanda na ng agahan. Ngumuso siya at mas lalong nagpacute. Medyo lumundag ang puso ko dahil may naaalala ako sa mukha niya. Sa kanilang dalawa talaga, he's the exact replica of Leo. Mula sa buhok, kulay ng mata, hubog ng mukha... manang mana kay Leo.

"I want to eat strawberries."

Tumango ako at inilapag siya sa counter. "Okay, okay... Bibili ako ng strawberries but promise me you will behave, okay? I need to cook."

"Aye!" inilagay niya pa ang maliit niyang kamay sa noo niya at nag-salute sa akin. Gigil na gigil ako sa kaniya bago kumuha ng itlog at bacon para sa agahan.

"Hindi pumunta si Daddy," he whispered.

"Daddy is busy, Dare. Pero nangako siyang bibisitahin niya kayo pag nakabalik na siya and for sure, may pasalubong na naman iyon!"

Ngumisi siya at nilantakan ulit ang Nutella. Napatingin ako sa cellphone ko at sinadya ang messages. Wala siyang text kaya naisip kong masyado siyang busy sa business meeting na dinaluhan niya sa Manila. Kasama niya si Rios at isa pa nilang pinsan kaya sigurado siyang makakabalik agad sila.

Inaabala ko pa rin si Kate sa tuwing nagtatrabaho ako. Nakakahiya na nga pero ika niya, tama lang dahil umalis na siya sa pinagtatrabahuan niya. Masaya siyang alagaan ang dalawa kaya kahit papaano ay kampante na rin ako.

"Where's the old man? Hindi pa rin nakabalik?" tanong ni Dale habang kumakain kami ng hapunan.

"That old man is our father, Dale. You're so rude!"

Tumaas lang ang dalawang kilay ni Dale at tila walang narinig mula sa kapatid. He's very a cold kid. Hindi mo maiintindihan kung anong nasa isip niya, galit ba siya o ano.

"I don't know... Maybe, tomorrow?" I answered before putting some vegetables in their plate.

"Akala ko ba... you two are back together?" Dale asked again. Namilog ang mga mata lalo na't seryoso ring napabaling si Dare sa akin na mukhang nag-aabang din ng sagot ko. I pursed my lips and put down my spoon.

"Saan niyo ba narinig 'yan?"

"Kay Tita Kate... and I'm not surprised because he's always staying here, late at night, and sleeps in your room. Wala naman kayong puwedeng ibang gawin doon kundi ang...."nagdadalawang-isip na siya kung itutuloy ba ang sasabihin niya dahil pinagdilatan ko na siya ng mata ko.

"Don't you dare, Dale." I warned him.

He looked away and blushed a bit. Pumikit ako na talagang naisip nila 'yan! Ang babata pa nila! Kasalanan 'to ni Leo eh! Ang ingay-ingay kasi niya kaya hindi malabong naririnig siya ng mga bata!

What if... gawing soundproof nalang ang kwarto? O di kaya'y kung nalilibugan siya s akin, hindi nalang sa kwarto?

Pumikit ako.

"Wala naman pong problema kung magiging kayo, Mommy. He's our father din naman so... it's not very hard to accept that he makes you smile..." Dare said. Dumilat ako at nakita kung gaano sila kaseryoso ngayon. They're kids but I know... they can think. They can understand the situation. Ganoon ko sila pinalaki. Alam ko namang maiintindihan nila lahat at matatanggap ang ama nila... no matter what.

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon