Chapter 3

673 22 0
                                    

Mabilis maubos ang numero sa kalendaryo.

"Solidare! Riverdale!"

Halos mapaos na ako sa kakatawag sa dalawang bulilit na 'yon. Lagi nalang talaga nila akong ginaganito. Bet na bet nila iyong hinahabol ko sila at pinapahirapan ako.

Nagmana nga ang dalawa sa letcheng iyon!

Alam kong mahirap—mas dumoble ang hirap ko. Ang gago, masyadong magaling ang sperm at talagang dalawa pa ang nabuo sa akin! Halos malaglag ang panga ko nang malaman na dalawang buhay ang kailangan kong buhayin.

Naging mas mahirap pa para sa akin ang itago ito sa pamilya ko. Alam kong nagawa nilang pagdudahan ang desisyon ko pero sa huli ay pinagbigyan din naman nila ako. Ilang beses ko ring sinikap na itago ang pagbubuntis ko sa kanila. Sa tulong ng magkapatid na Kim at Kate, naitago ko sila pero... hindi naging madali ang lahat. Ang daming kailangan kong isakripisyo.

Dahil kinakailangan kong mag-aral.

At kailangan kong maging ina.

Sinabi ko sa kanilang hayaan muna nila akong hanapin iyong sarili ko at mag-adjust ng isang taon bago ako pumasok sa unibersidad na gusto nila. Mahirap dahil kailangan kong ipagkatiwala ang mga anak ko sa iba habang nag-aaral ako. Samahan pa nang pagtatago at pagiging maingat para hindi malaman ng pamilya ko ang tungkol sa mga bata. I lived in hell with two angels inside my womb.

Hindi ako makapaniwalang nakaya ko iyon ng mahigit limang taon.

"Mommy!" biglang lumapit sa akin si Dare na tinuturo ang kapatid niya.

"Mommy!" umahon si Riverdale sa likuran ko. Pero nawindang ako nang makita ko ang pulang likido sa kamay niya.

"Anong nangyari?!" Halos atakihin ako nang makita ang patuloy na pag-agos no'n. Pulang-pula ang kanyang mga mata at ngumungusong namimilipit sa sakit.

"What happened?!" agad ko siyang kinarga at doon niya lang nagawang ibaon ang mukha niya sa balikat ko. Alam kong nasasaktan siya pero ayaw niyang ipakita iyon sa akin dahil nahihiya.

"Huhugasan natin 'yan." sabi ko. Lumabas si Elena at kinarga si Dare. Nakatingin lang siya sa kakambal niyang ngumingiwi dahil nililinisan ko ang sugat.

"What happened, Riverdale?"

"Sugat," sagot niya gamit ang kanyang maliit na boses. Kita kong nilalabanan niya iyong sakit kahit kitang-kita iyon sa mukha niya.

"Bakit ka nagkaroon ng sugat?" kalmado kong tanong kasi takot din ata siyang mapagalitan ko. Inilapag ni Elena si Dare sa tabi ng kakambal niya kaya nagawa niyang silipin ang sugat ni Dale. Pagkatapos kong linisin ang sugat niya, ginamutan ko iyon at itinakpan. Doon lang sila natigil! Biglang bumait at naupo nalang.

Limang taon na ako dito sa Seattle. Dito ako nag-aral. Dito ako nakapagtapos pero hindi ko pa rin maramdamang dito ako nababagay. Hindi ako masaya. Napatingin ako sa mga anak ko...

Dapat ko ba talaga silang itago sa pamilya ko? Paano kung hindi sila tanggapin ng magulang ko? Paano kung malaman ni Leo ang lahat?

Wala na akong balita sa baklang iyon, ah?

"Mommy! Look! This is my family picture." Itinaas niya ang bondpaper na may drawing niya. Guhit stick lang iyon pero alam kong pinaghirapan niya na maging tao iyon. "This is me. This one is Dale. This is me and Leo!"

Ngumisi ako. Dare got his eyes from me. Maputi siya at halos sensitibo ang balat. Agad siyang namumula kapag nabibilad lang sa araw. Aba ewan at saan niya namana iyan? Sa ama niya siguro! 'Eh maarte iyon at parang nakulangan sa dugo ang kulay ng balat nu'n. Hindi sila chinito pero bawing-bawi naman sa kulay ng kanilang mga mata. Si Dale naman ay kutis gatas din ang balat pero hindi siya sensitibo. Tahimik siya kumpara kay Dare.

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon