"Stretch your legs."
Nakasimangot akong nagpaubaya sa mga utos niya. Bukod sa masakit ang paa ko, nakita ko kasing seryosong seryoso siya sa pinag gagawa niya. "I can do it," I said as I tried to grab the ice bag sa kamay niya pero ayaw niyang ibigay sa akin iyon.
"Ako na."
See? Hindi nalang ako umimik dahil ang gusto niya ang masusunod! Tulog na ang mga anak namin kaya kailangan kong huwag maging maingay para hindi sila mabulabog. Kahit na gusto ko siyang sipain, pinigilan ko nalang ang sarili ko.
"What the fuck are you doing? Bakit ka ba natumba?"
"Nabigla ako sa lamig ng tubig. Nawalan ng balanse kaya napasigaw ako. Ikaw lang naman 'tong grabe makabukas ng pinto na akala mo'y katapusan ko na. You didn't even bother to ask permission, no? Basta-basta ka nalang pumasok dahil may spare key ka," iritado kong sinagot ang tanong niya. He just kept pressing my ankle. Para siyang walang narinig sa rants ko tungkol sa kaniya.
Tahimik na rin ako at seryosong tinitingnan ang ginagawa niya pero napansin kong umakyat ang mga mata niya sa itaas ng paa ko. Doon ko lang napagtantong naibalandra ko pala ang hita ko sa kanya. His brows furrowed kaya naisip kong ayaw niya sa nakikita kaya agad kong inabot ang unan para takpan iyon. His eyes met mine. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya mas lalong kumunot ang noo niya.
"Stop eye raping me."
I accused him even though I already knew he's not fond of legs and pussy.
"I'm not."
He looked away and set aside the ice bag. Cue ko na rin iyon para tumayo at mukhang hindi na naman masakit ang paa ko. I can even stand alone and move it like nothing happened. It's just the swollen part—kaunting kirot lang din naman kasi tumama iyon sa dulo ng bathtub.
Leo let me do what I want. Hindi na rin siya umimik nang pumwesto ako sa kama.
Ano siya ngayon! Sino ba kasing siraulong hindi man lang kumuha ng separate room para sa kanya. Eh alam niya namang hindi ako sanay matulog sa sofa tapos injured pa ako... kaya magtiis siya! Siya ang matulog sa sofa ngayon!
Hindi ko sinabi sa kaniya iyon pero naupo siya sa sofa. Unan at kumot lang ang kinuha niya at pinagpag pa iyon bago kinuha ang cellphone. Ako naman, inasikaso ko ang higaan ko. Ang lambot ng kama kaya nagawa kong tumalbog na humiga kaya napatingin si Leo sa akin. Napatingin ako sa mga bata na mahimbing nang natutulog. Wala sa sarili akong napangiti hanggang sa bumigat ang talukap ko. And after that, I fell asleep.
**
Leo cooked our breakfast. Alam kong puwede na namang mag-order but he really wanted to cook for us. Nag-swimming ulit ang mga bata kasama si Thorn kaya naiwan na naman ako sa cottage na nakatingin sa kanila. Naririnig ko pa sa kinauupuan ko ang tawa ni Dare habang si Dale naman ay sinusubukang makisama.
Maya-maya pa, dumating si Leo at inilapag ang breakfast. Agad na tumakbo si Dare nang makita ang paborito niyang hotdog. Karga ni Thorn si Dale nang umahon sila at lumapit sa amin. Nakanguso ito kaya napangiti ako. He's shy!
"Kumain muna kayo."
Pumagitna si Leo kina Dare at Dale. He tried to help the two finish their food. Hindi na naman siya mahihirapan sa pagpapakain kasi tinuruan ko na sila noon kung paano kumain nang maayos at ubusin ang kung anong meron sa pinggan. But Leo tried his best to guide them. Siya ang naghihiwa ng hotdog bago tinusok ni Dare ng tinidor at isinubo iyon sa bunganga niya.
We took some selfies. Uminit ang pisngi ko nang mahagip ang litrato ni Leo kasama ang mga bata. First time... nilang magkaroon ng picture kasama ang daddy nila kahit hindi nila alam iyon. Ganoon din si Leo na hiningi agad ang kopya kasi gagawin niya raw lock screen ng phone niya.
"Nag-enjoy ka ba?"
Isinuot ko ulit ang jacket ko. Kahit na tanghali ay nakaramdam pa rin ako ng lamig. I also witnessed the fogs. Nasa itaas ako at nagmumuni-muni nang samahan ako ni Leo.
"Yep. Maganda ang lugar... nakakarelax kahit parang nagyeyelo na ako sa lamig."
He ordered hot chocolate for us. Napatingin ako sa ayos niya. He looked so manly sa attire niya—a leather jacket with a match of jogging pants. Di'ba? Ibang iba sa awra niya dati.
"Nakausap mo na ulit si Shiloh?"
He groaned. "We're not talking about him again, Sa-ab."
"Why not?"
Umirap siya. "Kasi wala na kami at hindi na magbabago ang isip ko tungkol sa amin. We're over."
Hindi na siya nakinig sa akin. Nang gigil ako sa kaniya at sarap bigwasan. Inubos niya ang araw sa kakalaro sa mga bata kasi alam niyang mahihirapan na siyang isingit ulit ang gala'ng tulad nito dahil magiging busy siya next week lalo na't magbubukas ulit ang isang branch niya.
"Nakahanap ka na ba ng trabaho?" he suddenly asked as he put our things inside. Tumingin ako sa kaniya dahil alam ko na agad ang binabalik niya.
"I can find a job. Huwag mo na akong tulungan," inunahan ko na siya.
"Your dad won't allow you to find a job, Sa-ab. Paano kung ipasok nalang kita sa kompanya ng pinsan ko? Rios can find a way for you, for sure."
I sighed. "Huwag na nga kasi."
He held my hand kaya natigilan ako. "Hayaan mo na. Sa galit ng daddy mo, gagawin niya lahat. I'm very sure he will find a way to make your life miserable para bumalik ka sa kaniya and I won't allow that. Please... pumayag ka na."
Naisip ko kaagad ang mga bata. Paano kung... maubos nga ang pera ko? Hindi naman puwedeng humingi ako nang humingi kay Kate.
I sipped my wine as I read Leo's message. Gaya ng sinabi niya, he tried to help me. Ipapasok niya ako sa kompanya ng pinsan niya. It's not bad naman kasi alam kong hindi makokontrol ni Dad iyon. He can't do anything because it's a Castillo's business.
***
I fixed my hair and pulled down my skirt. Ayokong punain na naman ni Leo ang suot ko at sabihing pang-aakit na naman ang motibo ko sa pagta-trabaho. Well, wala namang masama but It's not my priority now kasi hindi naman mapapakain ng kalandian ang mga anak ko.
Rios assigned me in marketing department. Nagulat ako kasi ang bilis lang pero ganoon nga talaga siguro pag malakas ang kapit, sure slot na talaga. Kaya ko naman ang trabaho kaya walang problema sa akin.
"Hi," bati ko sa babaeng katabi ko.
Ngumisi siya at tumayo pa para alalayan ako. "Hello po, Ms. Chiu. Welcome po sa team namin," mahinhin at may galak ang pagkakasabi niya sa akin. Natuwa ako masyado dahil kinabahan pa naman ako sa mga makakatrabaho ko. May problema pa naman ako sa pakikisama kaya natatakot din ako. Buti nalang, hindi lumabas sungay ko ngayon.. and no one will pull the trigger.
Nagkaroon agad ng team meetings kaya hapon na nang magawa kong tawagan ang telephone sa bahay. Kate answered the call and told me lahat ng ganap nila sa bahay. She said, the kids were having fun watching kiddie shows tapos kakain at matutulog lang.
"Thank you so much, Kate. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka," I said as I removed my shoes to massage my feet.
She chuckled. "Ang drama talaga nito. Okay lang! Training na rin 'to sa akin para naman kapag magka-anak ako, hindi ako magiging ignorante!" She giggled again.
"May plano ka na?!"
Natawa siya. "Grabe... wala ngang jowa, anak na agad. Hindi ako tutulad sa iyo na nagkaroon ng friendship babies!"
"Grabe siya," I whispered.
Nang matapos ang saglit na chikahan namin ni Kate, lumabas ako sa opisina dahil naririnig kong may tumawag sa pangalan ko.
"What's the matter?"
"Miss... may naghahanap po raw sa inyo sa meeting room. Kanina pa po kayo tinatawag para kumain," Gion told me kaya nagulat ako.
"Huh? Sino raw?"
"Si Mr. Castillo po. Kanina pa po siya nasa opisina ni Sir Rios."
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...