This is really crazy. Sobrang fast-forward nang nangyari.
"Ano?! Buntis ka?!"
Umalingangaw ang boses ng pinsan ko. Walang duda. Nagtagumpay nga ang sperm ng baklang 'yon. Nakabuo! Tinawagan ko kaagad si Kate nang magduda ako sa sarili ko.
Gaga ako pero hindi ako tanga at mangmang!
Alam ko kung ano ang puwedeng mangyari sa ginawa namin. Pansin ko iyong pagbabago sa katawan ko kaya nagpa-test kaagad ako. Hindi ko aakalaing kayang baguhin lang ng dalawang guhit ang buhay ko. It scares me... those two lines—shit.
Kumalat agad sa mukha ni Kate ang gulat pero mas tumimbang ang pag-aalala. Alam niya kasing hindi ito katanggap-tanggap sa pamilya namin lalong-lalo na kay Ahma. Parang nakabuo ako ng kasalanan. Hindi na naman bago sa paningin nila dahil sa pagiging suwail ko pero matindi 'to. Paniguradong magwawala sila kapag nalaman nila ang tungkol dito.
Hindi nila ako mapapatawad.
"Sa-ab naman! Mas lalo kang lagot sa mga magulang mo... Sana naman nag-ingat ka! 'Wag mo namang sabihin sa akin na sa sobrang landi mo, hindi siya nag condom!"
Ngumuso ako at tamad na tumayo. Nauuhaw ako kaya imbes na sagutin siya, sinilip ko muna iyong ref at kumuha ng juice. Naglaway ang bibig ko sa lamig kaya inilagok ko muna iyon bago bumalik ang atensyon ko kay Kate.
"Iyon na nga ang nangyari at gusto mo ng plot twist tungkol sa ama ng batang 'to?" tanong ko.
Napaahon siya at mas tiningnan ako ng masama. Para bang binabalaan niya ako. She doesn't want another bomb again. She warned me to stop fooling around because this is not a good joke. Hindi naman ako nagbibiro... and I don't want this. Hindi ko ginusto 'to.
"This is Leo's child. Leo's sperm," diretso kong sabi.
At dahil kababata ko ang baklang 'yon, hindi makapaniwala si Kate. Minsan na namin siya naging kalaro noon sa mansyon kaya ganoon nalang ang gulat niya. Hindi na siya makapagsalita dahil sa nalaman.
"You fucked your best friend?"
"Fucking is not a good word," I said.
"Then what the fuck was that, Sa-ab? Ano?! Alam naman nating bakla si Leonel! Nagbibiro ka ba?"
Umiling ako. Mas lalong umawang ang bibig niya.
"The hell with you Sa-ab Chiu!" sigaw niya na mas lalong ikinabulabog sa bawat sulok ng kwarto ko.
It was a rough and fucked day for me.
---
"I want this," sabay turo ko sa balat ng lechon na binili ni Kate para sa akin. Out of town ang mga magulang ko kaya malaya kami ngayon sa bahay. Umuwi muna ako kasi kailangan kong kumuha ng gamit na dadalhin ko sa condo ko.
"Sakit ka talaga sa ulo, Sa-ab! Hindi ka ba natatakot sa pamilya natin? Magkakaroon talaga ng martial law ang bahay na 'to, sige ka..." nag-aalalang sabi niya sa akin. Medyo kumalma na siya pero she's still worried. Nagmukha ngang siya pa itong buntis kung maka react.
Umismid ako at pinunasan ang kumikintab kong labi. "Wala akong pakialam. Wala naman akong pakialam sa kanila. I can live without them—I have my own savings. I can sustain for myself, Kate. Alam mong hindi ako humihingi ng kahit ano sa kanila. Sila itong kusang nagbibigay sa akin. Well, responsibilidad din naman nila iyon," humalakhak pa ako sa huling sinabi ko. I can't deny the bitterness.
Kate glared at me. Alam kong ang dami niyang payo at sasabihin sa akin pero pinili niyang 'wag nalang ilabas iyon sa bibig niya. Yes, she's frustrated pero alam niyang pagdating sa mga magulang ko, may sarili akong pinaniniwalaan, na may isang salita at galit ako.
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...