"Ano ba?! Tumigil ka na nga!" I pushed Leo's head. Ang bigat bigat ng ulo niya! Paano ba naman kasi, hindi niya mapigilang hindi maiyak dahil sa sinabi ni Dale.
"Narinig mo ba ang sinabi niya sa akin? About the cookies—"
Tumango ako at inilayo ulit ang ulo niya na nakapatong sa balikat ko. "Oo na, oo na. Napaka emosyonal mo namang tao! Wala na tayong magagawa. Ang kailangan mo lang gawin ay—"
"This is all your fault!"
I glared at him. "Akala ko ba nagkaintindihan na tayo dito? Ano? Magsisisihan pa ba tayo?"
His jaw clenched. Hinilamos niya ang kanyang mukha.
Hindi ko na pinansin ang kadramahan niya dahil baka maubos lang ang pasensya ko. Palibhasa kasi, hindi niya pa alam kung ano-ano ang kadramahan ng mga anak niya kaya ang daling maapektuhan. Alam kong nasaktan siya pero wala na naman siyang magagawa tungkol doon! Oo na at kasalanan ko naman talaga pero talagang isisisi niya sa akin ngayon 'yon?Natigil na si Leo sa kadramahan niya. Agad niyang inasikaso ang mga bata. He tried to catch up. At nang sumapit ang dinner, masayang-masaya silang kumakain habang dinudungaw ang nakikitang magandang tanawin. Pareho rin kaming nakasuot ng jacket dahil malamig at nahahamogan kami ng malamig na hangin.
"We can't swim na po, Mommy?" Dare asked me habang hinihimay ni Leo ang karne na nasa plato niya.
Umiling ako. "It's cold na, baby... Tama na iyon kanina. Hindi ka pa ba nagsawa sa kakalusong sa swimming pool?
"Gusto mong magswimming, Dare?" Leo asked his son kaya sinipat ko kaagad siya sa gustong gawin. Ayan na naman kasi siya... I glared at him. Palagi niyang binibigay ang gusto nito kahit na nakakasama! Ang sinabi ko ay bumawi, hindi kunsitihin sa lahat ng bagay! Hindi dapat lahat ay binibigay!
"Leo," I glared more. "Gabi na."
Nagkatinginan ang dalawa bago dahan-dahang ngumisi na akala mo'y nakakaloko sa akin.
Dale stared at his plate. Inayos ko iyon kaya napatingin siya sa akin bago ginalaw niya na naman ulit ang kutsara niya.
"Are you okay?"
"I want to sleep now. Can I go to our room?"
"Pero hindi ka pa tapos kumain. Your..." Crazy father prepared this for you. "Sayang ang pagkain, anak."
Napasulyap na rin sa amin si Leo kaya nagawa niyang pansinin si Dale.
"Something wrong?"
"He wants to sleep now," sagot ko.
"Oh? Inaantok ka na?" Leo asked his nonchalant son.
Dale nodded. Ngumuso si Leo at sumulyap sa akin.
Tinabi ni Leo ang table napkin bago tumayo para lumapit kay Dale. Totoong halos mahulog na ang mga mata ni Dale dahil sa antok. Siguro napagod kanina, e hindi naman masyado energetic ang batang 'to. Hindi naman ito katulad ng kapatid niya.
Dahil na rin siguro sa pagod at antok, hindi na siya umalma nang sakupin siya ni Leo. Napatayo na rin ako para ayusin ang nagulo niyang damit dahil kita na ang likod niya pero hinawakan ni Leo ang kamay ko.
Napakurap-kurap ako.
"Ako na... Just stay with Dare."
Kumakain si Dare nang umalis ang dalawa. He smiled at me kaya nakita ko siyang nagstra-struggle sa pagkain niya. I helped him while he was chewing his food.
"Do you like Tito Leo?"
Natigilan agad ako.
Naloka ako sa tanong niya!
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...