Chapter 26

420 18 2
                                    

"Ano ba talagang relasyon ninyo ni Leo?" Kate raised her brows, tinutusok niya lang 'yong cake na inorder niya habang nakikichismis sa estado namin ni Leo. Kinagat ko ang egg tart at nanatiling tahimik. Hinampas niya na ako ng menu na naiwan pa ng waiter pagkatapos ihatid ang order namin.

"Sagutin mo ako! Ano? Bakit pumunta si Shiloh sa condo niyo? Anong sadya niya? Sila pa ba... habang kayo ni Leo ay naghaharutan?!"

"W-What?" Ako naman ngayon ang aambahing hampasin siya. "You really think I can do that? Ganito lang ako... mukha lang akong gaga pero never in my life na maging kabet ako no! Hindi ako magiging other woman o kaya maging third party!" dipensa ko.

"So? Hiwalay na sila?"

"Sa tingin mo?" I rolled my eyes.

"So... ibig sabihin kayo na ni Leo?"

Umiling ako. "Hindi rin."

She smirked. "Hindi pero nagse-sex?! Aminin mo!"

Umiling na lang ako nang may ngisi sa labi kaya mas lalo niya akong hinampas. Sasagot pa ba ako e kumbinsidong kumbinsido na siya tungkol sa amin ni Leo.

Totoo naman kasi no. We're not in a relationship pero hindi ko rin masasabing parang wala lang ang nangyayari sa amin. Nagiging horny siya, inamin niya naman iyon at kapag naging horny siya, magiging horny na rin ako. We have a connection!

At kung nararamdaman lang naman ang pag-uusapan, oo na at meron na ako no'n. Okay! Inamin ko na... maybe... I love him. I am fucking in love with my fucking best friend for years. Hindi ko naman inaasahan iyon. Pero ayoko ring saktan ang sarili ko dahil alam ko kung ano siya. Alam ko kung ano ang gusto niya and I don't want him to change everything just for me.

Tanggap ko sa sarili ko kung sakaling one-sided ang nararamdaman ko. Basta nandiyan lang siya para sa mga anak niya, then I'm okay. He doesn't need to give justice to my feelings.

"Where are we going?"

Kanina lang, niyaya niya akong mag dinner. Sabi niya gusto niyang kumain na kaming dalawa lang kaya hinayaan ko na siya sa gusto niya. Hindi siya sumagot hanggang sa huminto ang sasakyan niya. Bumaba ako at narealize kung nasaan kami. Malamig kaya agad na inoffer sa kin ni Leo ang jacket niya na tinanggap ko naman.

"Sana pala sinama natin ang mga bata," I said. Magkahawak kamay parin kami habang paakyat para makapasok. Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta ako ng Hilltop pero first time kong pumunta dito na kasama siya.

He looked at me kaya napansin niya ang pag gulo ng buhok ko. He reached for it kaya bahagyang naayos.

"This is a date... Ikaw muna ang gusto kong makasama. Next time, isasama na natin sila.

Kumalabog ang puso ko.

"D-Date?" Natatawa pa ako para hindi halatang kabado na.

Ngumuso siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Hindi nga lang ako nakapagreklamo lalo na't nakita ko kung gaano kaganda ang view sa ibaba.

Mula sa kinatatayuan ko, I can clearly saw the view without obstructions. The sun is now hanging low. Sa ganda, napahawak ako ng husto kay Leo.

"You liked it?"

Tumango ako. Nanatili sa baba ang tingin ko nang maramdaman ang halik niya sa gilid ng noo ko.

I looked at him.

"You know... I loved cityscapes."

Tumango siya. "Kaya nga dito kita dinala. Huwag kang mag-aalala, you'll have more city lights with me." He kissed my head again before pulling me to go to his reserved canopy.

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon