Chapter 31

385 14 0
                                    

"Leo," hinahabol ko ang hininga ko nang tuluyan niyang pakawalan ang labi ko. He looked at me with a dangerous eye. Tila gatilyo ang halik niya sa akin at hindi ako kayang pakawalan ng basta-basta lang.

After our dinner with his family, masyadong nawili ang pamilya niya sa mga bata kaya madali niya akong nahila papunta sa kwarto niya. His room was fully dark. Mula kulay ng kurtina, kulay ng bedsheet and even his wallpaper designs, masyadong madilim sa paningin ko and it's not helping. Dimmed lights lang ang nagbibigay ng kaunting ilaw sa kwarto niya kaya hindi ko alam kung bakit parang ang intimate lang ng dating. Panay ang halik niya sa leeg ko tapos bababa sa dibdib pero inabot ko ang ulo niya para matigil siya. Nasa baba ang pamilya niya kaya hindi namin pwedeng gawin ito dito!

His hand caressed my jaw. Ramdam ko ang gigil niya pero naroon pa rin naman ang pag-iingat.

"Papakasalan kita," he whispered and kissed my cheeks.

Natawa ako. "Oo nga... Hindi pa ba sapat ang yes ko at paulit-ulit ka?"

He kissed me again.

"I'm sorry about the scandal. Alam kong nasaktan kita... kahit hindi mo aminin. My family was right. I should care about this for you and for the kids."

I smiled. "Do it for yourself too, Leo."

Pumikit siya at mas yinakap ako. Tama naman siya at inaamin kong nasaktan ako at nagselos. Pero alam ko ring hindi niya kasalanan ang nangyari at mas lalong hindi niya ginustong kumalat 'yun. Nabiktima lang din siya... sila. Imbes na sumbatan ko siya tungkol doon, mas pipiliin kong damayan siya ngayon.

Matagal bago niya ako pinakawalan sa pagkakayakap. Hinahalikan niya ako tapos yayakapin ulit. Kung hindi ko lang siya pinipilit na bumaba, baka mas natagalan kami sa kwarto niya at tuluyang bumigay sa init ng nararamdaman namin.

"Her name is Rackel. Rackel, this is Dare and Dale. They're your cousins, baby."

Naabutan namin si Aries na ipinapakilala ang kaniyang munting prinsesa sa kambal namin. Her lovely daughter giggled as she reached her hand. Agad namang nagkasundo ang tatlo lalo na' t hinila ni Rackel si Dale at agad na tumakbo palabas para maglaro.

Tinawag si Leo ng mga iba niyang pinsan kaya tumango ako at sinabing hindi niya na naman kailangang magpaalam pa. Tumungo ako sa kusina para kumuha ng desserts pero naabutan ko si Niana, ang asawa ni Aries, na may nilabas mula sa oven.

"You're so pretty," hindi ko mapigilang hindi purihin ang ganda ng babaeng 'to.

Napatalon siya sa gulat at dahan-dahang namula dahil sa puri ko sa kaniya.

"Sa-ab... ikaw pala 'yan. Uh... hindi man lang kita napansing pumasok. Pasensya na," her angel voice made me purse my lips. "Tsaka... thank you pero hindi naman ata. Mas maganda ka pa nga kaysa sa akin."

Umiling ako. "No. Siyempre, maganda ako pero maganda ka rin. We're both pretty... so no need to compare," I chuckled.

Natawa siya at dahan-dahang tumango. "I cooked some lasagna. Uh, gusto mo bang tikman? Medyo na late sa pagluto kaya hindi ko na nahain kanina."

Mukhang masarap nga ang gawa niya.

"Can I have a taste?"

"Sure!" Inabot niya sa akin ang isang platito at tinidor bago nagsalin ng lasagna sa platito ko. Sobrang creamy at tsaka tama lahat ng timpla!

"Ang sarap naman nito! Magaling ka talaga magluto?"

Natawa siya. "Marunong lang pero hindi magaling. Nakasanayan na rin kasi... uh... bago kasi naging kami ni Aries, nagsilbi muna ako sa kanila. Tumutulong ako minsan sa kusina kaya saulo ko na rin ang ibang ingredients at tamang timpla ng mga putahe. At tsaka, doon sa amin sa Kapatagan, ako yung madalas nagluluto. At nung ikinasal ako kay Aries, ipinasok niya ako sa isang cooking school kaya mas marami akong natutunan."

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon