"D-Dalawa sila?"
Nakalapit ako sa sofa malapit sa kinauupuan niya. I put my water down to settle myself. Alam kong sa tono ni Leo, nagpipigil lang siya. He's mad at alam kong nasa punto rin siya para magalit. Napapikit ako.
"Let me explain," inunahan ko na siya. "Alam kong pinagkatiwalaan mo ako para dito pero hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa iyo ang lahat. Ayoko silang biglain lalo na't nakita mo na naman kung ano ang pag-uugali ng dalawa." Lumunok ako dahil titig na titig siya sa akin.
"Nang malaman kong dalawang bata ang nasa sinapupunan ko, hindi ko alam ang gagawin ko Leo. Ang tanging naisip ko lang ay ang itago sila. Yes... sounds selfish but that's what... I did for their best."
Bumuntong-hininga ako.
"Mahirap din naman sa aking itago sila. Akala mo ba ginusto kong lumaki silang hindi man lang naranasan na pumasok sa skwelahan? Nag home school sila! Kasi takot akong may makakita at makakilala sa kanila tapos ibabalita sa mga magulang ko at sa iyo. Mahirap para sa akin ang buhay na pinili ko para sa kanila. Iyon lang ang naisip kong paraan lalo na't nagsisikap din akong makapagtapos ng pag-aaral."
'Di tulad kanina, gumaan na ang titig niya sa akin. I had to bite my lips to control my upcoming tears. Ayokong umiyak.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. He was hurt too.
"At alam kong mahihirapan ka Leo. May boyfriend ka at ayokong maapektuhan ang kung anong meron kayo dahil lang sa mga bata. Ayokong ma—"
"Matatanggap sila ni Shiloh, Sa-ab."
I nodded, Alam kong kasalanan ko at siguro mahirap ang naging desisyon ko para sa mga bata. Hindi maiintindihan ng iba iyon. He even sighed again. Matutunugan mo pa rin ang pagkadismaya niya pero alam kong naapektuhan siya sa sinabi ko. His brows stretched as if he's trying to figure something tapos pumikit ulit siya.
"Can I at least tell them... that I'm the father, Sa-ab?" tanong niya.
Hindi ko alam.
Hindi ko talaga alam. Pero ayokong mabigla sila.
Tahimik na ulit kami ni Leo. Walang nagsasalita hanggang sa makabalik sina Kate. Malaki pa ang ngisi ni Dare sabay lahad sa akin ng box. Tumingin pa siya kay Leo at inalokan ng isa pang slice.
"Come here," utos niya sa anak niya.
Masunurin si Dare kaya mabilis itong lumapit sa kanya. Nakaupo ulit siya sa hita ni Leo at ngumungusong tinititigan siya.
"What?"
Umiling si Leo. "Nothing... You're so cute. I just want this."
Naguguluhang tumingin sa kanya si Dare bago tumingin sa akin. I nodded just to tell him na pagbigyan niya ang ama niya. Parang may kung anong humaplos sa puso ko...
Taon ang ninakaw ko kay Leo pero alam ko rin namang para sa ikakabuti niya lahat iyon. Hindi lang dahil sa personal kong rason kundi na rin para sa ikakabuti niya at ng relasyon niya kay Shiloh.
As usual, dumalo nga si Dale sa amin but he looked uninterested. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil wala siyang pakialam o mabagabag dahil ganiyan siya. Panay ang tingin sa kanya ni Leo pero wala siyang pakialam.
"I'm so so sorry, couz. Lagi talagang nangyayari ang ganitong sitwasyon kapag ako itong nakabantay sa kanila," bulong ni Kate sa akin.
Umismid ako. Hindi ko mapigilang hindi siya asarin. "Oo nga.. kasalanan mo talaga 'to!" natatawa kong sagot sa kanya.
Yinakap niya ako kaya pabiro akong nagalit sa kanya. Alam ko naman na wala akong kontrol sa mangyayari so dapat walang kailangang sisihin kundi ako. Ako naman 'tong nagsinungaling at nagtago ng totoo.
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...