"I don't know if you're fucking lucky or... it was just pinagbibigyan ka ng tadhana ngayon?" Kate whispered at me behind. "Tulog na tulog si Dale."
Lumunok ako. Nasa sala ang dalawa at masinsinang nag-uusap habang ako ay halos mamamatay na sa kaba! Dagdagan pa ng mga tingin ni Leo.
Kate was right. Tulog na tulog si Dale nang silipin ko siya sa kwarto nila. Suot niya ang kanyang jacket kasama ang hood nito. Hindi kita ang mukha niya but I know he's sleeping peacefully. Kaya nagdesisyon akong si Dare lang muna ang ipapakilala ko.
Sana lang hindi makuwento ni Dare ang tungkol sa kapatid niya.
"Mommy!"
Napalapit ako sa kanila. Leo glared at me. Alam kong kasalanan ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang irapan siya.
"What is it?" tanong ko kay Dare.
He reached for my ear sabay bulong. "Your friend said that he wants to play with me outside!" My son giggled. Kumunot ang noo ko bago tumingin kay Leo.
"Hindi ko siya pinapalabas-"
"Ipapasyal ko lang, Sa-ab." Pinutol niya kaagad ako ng salita niya. Tunog nagmamandar siya, na dapat hindi ako tatanggi at pagbibigyan ko ang gusto niya. I glared at him.
Hindi pwede!
"Baby... Mag-uusap lang muna kami ng friend ko, ha? Get your IPad now at maglaro ka muna, okay?" I tapped his head. Tumango siya at kinuha ang Ipad niya. Bumaling pa siya kay Leo bago nakipag-apir at pumasok ng kwarto.
Now I can feel the madness of Leo. Lalo na't hinawakan niya na naman ako sa braso.
"You really named the dog...." reklamo niya. Ngumuso ako at binawi ang braso ko. "After me..."
"Atleast kilala ka niya!"
"Really, Sa-ab? At aso talaga?" Ngumiwi pa siya. Hindi niya talaga matanggap na pinangalan ko sa kanya ang aso ni Dare.
Pero wala akong oras para atupagin ang kung anong galit meron siya ngayon. Inabot ko ang kamay niya at tinulak siya palabas bago paman magising si Dale. Naku po! Pag iyon nagising at nakita siya, hindi niya pa naman alam ang pag-uugali ng anak niya! Mas lalong tumataas sungay nun kapag bagong gising at may nakikitang hindi maganda.
"What the fuck are you-"
"Umalis ka na. Nakilala mo na 'di ba? Tama na iyon at-"
"Sandali lang! I'm not still contented. Gusto ko siyang ipasyal," winakli niya ang kamay ko at ako naman ulit ang hinawakan. I groaned.
"E 'di makuntento ka na. Hindi nga ako papayag. Paano kung makita ng mga magulang ko? Alam mo kung paano sila magalit-"
"Magagalit pa kaya sila kapag nalaman nilang ako ang tatay?" He smirked. Tumaas ang kilay ko kasi grabeng bilib meron siya! Hindi ko alam kung sadyang confident siya masyado o sadyang makapal lang talaga ng mukha ang niya!
"Ako ang magdedesisyon. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya ipagkakait sa iyo kaya pwede ba? Sa ngayon, umalis ka muna."
"You already did. Pinagkait mo na siya sa akin ng ilang taon. How can I believe you and your words?" malamig niyang tanong.
I sighed. Alam kong... alam kong kasalanan ko rin naman ito but... pwede bang maki-cooperate muna siya ngayon?
"Promise," I raised my hand to swear kaya matalim niya lang akong tinitigan. "Alam mong bihira lang akong nangangako pero... ngayon, para sa anak natin, mangangako ako.."
Itinulak ko na siya palabas at mabuti nalang talaga tumunog ang cellphone niya. Iritado siya pero nang makita kung sino ang tumawag, kumalma siya.
"Let's talk, Sa-ab. Give me your number."
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...