Dale looked at me. Para namang koala kung makayakap sa akin si Dare na pilit pang tinatago ang mukha niya pagkatapos kong sabihin sa kanila ang totoo.
Yes! I did... this time. Hindi ako sanay magsabi ng totoo dahil noon, kakampi ko ang kasinungalingan. Lagi akong nangangatwiran kahit na alam ko sa sarili kong may mali ako. Honesty is the hardest policy for me. But this is different. Tama si Kate at tama si Leo. I'm being unfair to my kids...
"Forgive me," I kissed Dare's forehead kaya mas lalo lang siyang humikbi. My other son didn't say a word. Alam kong nagdududa na siya but I want him to talk and say something. Ayaw kong sinasaulo niya lang lahat ng gusto niyang sabihin.
"Alam kong tinaguyod ko kayong mag-isa... at lumaki kayong inisip niyong pinabayaan kayo ng Daddy niyo.. which is not true," I swallowed hard as I put Dare by my side. "Itinago ko kayo sa kaniya at hindi niya alam na nabuo kayo. I ran away... with the both of you."
My phone vibrated. Alam ko na kaagad kung sino iyon. Alam niyang sasabihin ko na sa mga bata ang totoo pero minabuti kong solohin muna sila. I didn't imagine I can literally cry because of telling the truth. Tama sila at masakit ang katotohanan at mahirap magsabi nun. Pinunasan ko ang luha ko at ang nagbabadyang tumulo ulit. I don't want them to see me cry because of this. I don't want them to think na kaya akong tablahin ng nangyayari.
"Is it hard for you?" Dale asked me.
I looked at him-- shocked also because of his question.
Yes... SOBRANG HIRAP.
I want to tell him that.
My family were toxic. Nabuntis pa at bata. I was eaten by responsibilities. It changed everything. Ibang-iba noon. I considered myself as a liberated girl and loves to party. I'm a girl with many characteristics of assholes or douchebags. Siguro kong hindi ako nabuntis, baka naitakwil na ako ng pamilya ko dahil alam kong madami akong gagawing katarantaduhan. I'm their source of stress and controversies.
Dare hold both of my cheeks. His eyes tell me something.
"We're so proud of you, Mommy!"
And with that, hindi ko aakalaing mararamdaman ko iyon. Akala ko habangbuhay akong magiging ignorante sa pakiramdam na 'yun. I always considered myself as disappointment at ngayon.. sinasabi ng anak ko na proud sila sa akin, halos naging gripo ang pagtulo ng luha ko.
Tumayo si Dale sa akin at dinaluhan kami. Mas lalo lang akong umiyak. I hugged them painfully... but it also gives comfort. They were my strength.
"No wonder... why he's always spending his time to us and giving what we really want—No... what Dare's want," I heard Dale said. Masama na kaagad ang tingin ng kapatid niya sa kaniya but as if naman... it matters to him. "He's acting weird but... I doubted him because he looked--"
"Sige! Ituloy mo!" Dare shouted.
Bago paman mag-away ang dalawa, pumagitna na ako.
They were clingy. Kahit na si Dale.
I get my cellphone at nakitang 32 missed calls ang natanggap ko from Leonel.
I also received a lot of messages from him.
Leo:
What are you doing?
Leo:
You will tell them?
Leo:
Answer the call!
Leo:
I'm telling you, Sa-ab.
Leo:
How was it? Natanggap ba nila? How dare you. You actually planned this! Talagang sinabi mo sa kanila na wala ako sa tabi mo? NANANADYA KA!
Natawa ako.
Boset talaga 'tong baklang ito.
But his last message hits different.
Leo:
Natanggap ba nila ang katotohanan? Tanggap ba nila na ako ang kanilang ama? Tanggap ba nila ako?
I'm not happy about it. Sa tuwing tinatanong niya ang mga bagay na iyan. That's the time I decided to type my reply.
Ako:
We'll talk tomorrow. I need to rest.
Parang nahiya iyong segundo sa bilis ng reply niya!
Leo:
Much better.
It just took 24 hours for him. Hindi niya ako tinantanan. Kahit na trabaho ko, ginulo niya kasi gusto niya na akong makausap.
"Doesn't mean pinsan mo ang amo ko, puwede mo nang guluhin ang oras ng pagtatrabaho ko," I said. Galit siyang pinasadahan ako ng tingin. Sinundo niya ako sa opisina kahit hindi pa tapos ang oras ko tapos siya pa ang may ganang magalit?
"Tell me... what happened? Ano ba sinabi nila? Anong reaction—"
Ngumuso ako. I released a heavy sigh kaya kita kong medyo nataranta siya roon. Siyempre, highblood siya at hindi nawawala ang inis sa mukha niya and I can sense his impatience here.
"Sa-ab," he called me.
"Alam na nila."
"And?"
"They said... they just," halos hindi ko rin maituloy dahil masyadong magaan ang pakiramdam ko sa tuwing iniiisip iyon.
"Ano?"
"Nothing," I cut it off. "They just asked me why and I explained to them everything. Don't worry, they're not mad because we hide it... they understand."
Lumapit siya sa akin kaya ako naman ngayon ang kumunot ang noo.
"Is that it?"
Tumango ako. Nagbabalak na sana akong bumalik ulit sa loob pero hinawakan niya ako.
"So, they can call me now daddy?"
I looked at him.
Wow. I never saw him... looking at me with those twinkling eyes. Nagmukha siyang si Dare na nagpapacute!
"I can call them... anak?" pumiyok pa siya habang tinatanong iyon. "I can hug them because I am their father? I can kiss them now?"
"What do you think?"
"You tell me! You decide!"
"W-What?"
"You tell me what I need to do," matigas niyang Ingles sa akin. Kumurap ako ng ilang beses dahil.. ano ba ang sinasabi niya?!
He reached for my hand kaya mas lalo lang akong kinabahan. Naitulak ko siya nang bahagya pero hindi iyon naging sapat para lumayo siya sa akin. Sa tingin ko nga, mas lalo lang kaming naging malapit sa isa't isa.
Matangkad siya ng kaunti kaya nakatingala ako. Nakaka-intimidate ang labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Naamoy ko ang pabango niya-- a mix of his expensive perfume and own scent. Ang balat niyang malambot kaysa sa akin. His white and big hand hold my arm like he's trying to pull me closer.
"Ano? Gaano pa ba tayo ka-close? Ayaw mo ng space?"I playfully asked him. Gusto kong mailang siya para siya na mismo ang gumiba sa lapit na meron kami... pero mukhang nagkamali lamang ako. Hindi na siya tulad noon na allergic sa distansya niya sa babae.
His mouth parted kaya tinampal ko na talaga siya.
"Let go of me, Leo! I need to go inside kasi may trabaho pa ako!" I even punched him but he suddenly pulled my nape and with a shook, I feel his lips tasted mine. Hindi ko naipikit ang mga mata ko dahil sa gulat kaya kitang kita ko ang pagtulo ng luha niya habang hinahalikan ako.
"What--"
He kissed me again.
It was shallow.
And my heart tightens up.
What the fuck?
"Go with me... with the kids," he whispered, still holding my nape so I can still feel his toxic breathe. "Ipapakilala kita sa pamilya ko, Sa-ab."
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomansaWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...