Chapter 11

543 13 1
                                    

Hindi ko alam kung kailan ako nagalit ng husto. Alam mo 'yung nagdidilim ang paningin mo at ang tanging naisip mo lang ay galit at kung paano mo ilalabas iyon. Gusto kong sugurin ang magaling kong ama.

Gusto ko siyang sumbatan. Buong buhay ko, malaking katanungan sa akin kung bakit... ako ginaganito ng pamilya ko.

Napaka toxic.

Minsan, ang sarap nalang ibahin ang apilyedo ko... o sana... hiniling na hindi nalang ako ang naging anak nila. Bad trip na bad trip akong lumabas sa opisina ni Charles. Oo! Charles na kasi hindi ko na siya boss!

At dahil sa magaling kong ama, back to zero na naman ako!

"Where are you going?"

Alam kong malaking impluwensya ang dulot ng magaling kong ama sa kompanya niya pero ang unfair naman?! Naging mabuting empleyado naman ako ng ilang araw, ni hindi nga ako nagreklamo dahil kailangan ko ng trabaho pero ngayon... kaunting kalabit lang ni Dad, nawala na bigla sa akin.

"You know I can't say no to your father, Sa-ab. Noon paman, malaki na ang naitulong ni Mr. Chiu sa amin kahit noong si Papa pa ang namamahala. So, I don't have a choice," he said kahit na hindi na naman ako humihingi ng eksplinasyon sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

I just waved my hand at dinala ang sarili sa labas ng opisina. Nagmukha akong kahiya-hiya sa nangyari. Na stress ako!

Kaya imbes na umuwi at maghapon kong inisip iyon, nilihis ko ang isipan ko at nagdesisyong mag bar muna para uminom. A bottle will do for me. I just... need to calm mayself.

Wala pa ngang kalahating minuto akong nakatunganga sa inumin ko, my phone suddenly vibrated. Agad kong kinapa iyon sa loob ng purse ko and saw Leo's number.

Ginapangan agad ako ng kaba dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang nagba-bar ako! Ang alam niya ay nagta-trabaho ako.

I didn't answer his call kaya nilapag ko iyon sa mesa. Instead of calling again, I saw his message in my inbox.

Leo:

Anong oras uwi mo?

Ngumuso ako.

Aabutin ko na sana para magtipa ng mensahe nang humabol ang second message niya.

Leo:

Shiloh wants to visit. Is it okay?

Natigilan ako.

Parang ang sarap magreply ng hindi okay pero... ang weird naman.

Me:

Yup! Pauwi na rin naman ako.

Whatever.

Nawalan na rin ako ng gana kaya imbes na umorder pa, tumayo na ako at nag-abot ng bayad. Padami nang padami na rin ang customers.

I make sure na hindi makikita ng mga anak ko ang lungkot ko... lahat.

Dapat okay lang.

I fixed myself bago naglakad sa lobby. At nang nasa tapat na, I swipe my card kaya bumukas ang pinto. Inayos ko pa ang buhok ko at bumuntong-hininga.

Kumakain sila nang dumating ako. Pareho silang napatingin sa akin—maliban kay Dale dahil seryoso siya sa pagkain niya.

"H-Hi!"

Lumapit agad ako para patakan sila ng halik. Dare smiled at me, asking for more kiss kahit nasa harapan niya ang pagkain.

"Kumain ka na, Mommy." Dale interrupted us kaya ngumuso na rin ako para halikan siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin!

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon