"H-How are you?"
Wow... he's here... and the asshole really changed. I can honestly say na kung hindi ko siya kilala, he's one of the catch. Muntikan ko na siyang hindi makilala dahil sa laki ng pinagbago niya! His white dress shirt and casual pants fits him. His jaw clenched. Tumaas ang kilay niya habang sinusuri ako. Mas lalong dumoble ang kaba ko.
"Kailan ka lang nakauwi?"
Inayos ko ang buhok ko. "Nitong nakaraang araw lang. Uh... pasensya na at hindi ako naka—"
"You're insane, Sa-ab." Natawa pa siya. "You didn't message me..."
Ngumuso ako at napakamot sa braso ko.
"Hindi mo ngang nagawang magpaalam sa akin noon... ngayon pa kaya na nakabalik ka na." His voice roared like a tiger. Napatingin ako sa paa niya nang lumapit siya sa akin. "Wala ka pa ring sinasabi?"
I looked away.
"Ano itong nabalitaan ko? Pinagbigyan mo ang mga magulang mo na mag-aral abroad pero... there's a rumor. Is it true na nabuntis ka?"
Napapikit ako.
Shit... Shit? Shit!
"A-Ang dami mong tanong, ha!" Natawa pa ako. "Grabe... ang bilis ng balita pero pwedeng pass muna? Masakit ulo ko dahil marami itong nainom ko," madrama kong sabi sabay hawak sa ulo ko. "Pasok muna ako, Ley. It's nice to see you again." Tinapik ko pa nga balikat niya pero hinablot niya lang ang braso ko.
My eyes widened because of his sudden move. Malakas kumapara sa panghihila niya sa akin noon. I can smell his fresh breath and mint. Napakurap-kurap ako dahil masyado kaming close!
"We're not yet done! Ang dami mong dapat sabihin sa akin!"
Binawi ko kaagad ang braso ko.
"Bitiwan mo nga ako, Leo!"
Pero nagmatigas siya. Ayaw niya akong bitawan!
"No. Mag-uusap tayo—"
"Babe?"
Pareho kaming napalingon sa likuran ni Leo. Isang lalaki ang sumulpot at tinawag siyang babe. Ang gago, may boyfriend! Hindi lang basta boyfriend, hot boyfriend!
"Shilo—"
"Bitiwan mo nga ako! Hinahanap ka na ng boyfriend mo!" sigaw ko sabay tulak sa kanya.
Totoo atang nalasing ako kaya nagawa ko silang iwan at bumalik sa loob. Iritado akong bumalik sa pwesto namin kanina kahit na wala na ang mga kaibigan ko. Kinuha ko ang huling shot na nasa lamesa at umupo sa upuan.
Bwesit. Bakit pa ba kami nagkita ngayon?
Ngumiwi ako nang maalala ang hitsura ng lalaki niya kanina. Wow! Kaya ba hindi niya pinagbigyan iyong kasosyo niya sa trabaho dahil may mas gwapo at masarap siyang boyfriend?
Kung sabagay... kilala ko iyon at mataas ang standard niya pagdating sa mga lalaki. I reached for my phone. Gusto kong magsaya pero ayokong umuwing walang malay. May naghihintay sa akin kaya kailangan kong malaman ang limitasyon ko lalong lalo na sa pag inom.
Tumayo ako pero napaupo rin naman agad. Because of fucking alcohol, halos dumoble na ang paningin ko. I groaned.
Letse. Know my limits daw pero halos hindi na ako makatayo.
Great Sa-ab!
"Fuck naman... Ang sakit ng ulo ko," bulong ko. I closed my eyes to ease my head. Nang maisip kong kaya po naman, tumayo ako at naglakad sa gitna. Pero halos mabuwal ako nang may sumikop sa akin at pinasan agad sa balikat! Halos lumipat iyong dugo ko sa ulo dahil sa paraan ng pagkakakuha niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...