"Sa-ab! Let's go!"
Kanina pa ako hinihila ni Karen na pumunta sa dance floor. Before she reached for my hand, I took a sip of vodka here in our table.
Actually, this is a bomb to me. Wala sa usapan namin ang uminom. My team planned a dinner pero ang nangyari, sa bar kami napunta. We're all stressed and need to have a goddamn break kaya lahat sila pumayag sa galang gagawin.
I already texted Kate to look for the kids. She's always my savior when it comes to situation like this... and I thanked her for that.
"Ano? Hindi ka na beteran sa mga ganito?" Karen chuckled as she sways her waist to make a groove. Natawa ako. Of all people, siya lang ang masyadong nakakasundo ko. She's friendly yet formal to me. Hindi rin nauubusan ng salita kaya hindi ako nahirapang makipagkasundo sa kaniya.
Well, I need that too... kung ganitong klaseng trabaho, kailangan kong matutong makisama.
"Pumayag ba husband mo?"
"Huh?" I tried to fix my skirt kasi ayokong tumataas iyon.
Lumapit siya sa tainga ko at mas nilakasan pa ang boses niya. "I said, pumayag ba ang asawa mo?"
Natawa ako.
"Wala akong asawa! May anak pero hindi ako kasal," I said. Nabibingi ako sa musika kaya hindi na kami magkarinigan ni Karen.
Wala kaming ibang ginawa kundi ang sumayaw nang sumayaw dahil hindi kami magkarinigan. A lot of batches filled the center kaya nang magsawa na kami at may humatak kay Karen, I decided to go back in our table. Nandoon pa ang mga ibang kasamahan namin na piniling uminom lang at makikain kaysa sa sumayaw.
Parati talagang puno 'tong Foodbox kaya halos maipit na ako pabalik sa table namin.
"Lipat tayo sa Ridgemond?" Helen said.
Umiling na si Asher na katabi niya. "Huwag na! Dito nalang tayo... total masaya na rin naman tayo. Ba't pa lilipat?"
"Eh sabi mo dumarami na ang tao?"
"Malamang bar 'to?" Asher sarcastically answered.
Busangot na tuloy si Helen at hindi na nagsalita pa. As far as I know, they're a thing kaya ganoon nalang sila sa isa't isa. Para silang aso't pusa kung mag-aaway tapos... magtutuos sila sa kama. I smirked.I finished my vodka nang tumunog ang phone ko.
I opened my bag and saw Leo's name!
I even panicked and I don't know what to do.
Should I tell him?
But why?! Hindi maganda ang huling pagkikita namin. After what he said, tinulak ko siya at iniwan! Nasisiraan na siya ng ulo, ipakilala pa naman daw ako sa mga magulang niya bilang nanay ng mga anak niya?!
He's crazy!
"Who's that?" Karen asked. Nakabalik na pala siya.
"Sagutin niyo na Miss Sa-ab... baka hinihintay kayo ng asawa niyo." May panunuya ang boses niya.
Panay ang pangangantsyaw nila sa akin tungkol sa pagkakaroon ko kuno raw ng asawa. Kumunot ang noo ko. Bakit ba nila iniisip iyan?! Mukha na ba akong married woman?!
"Tsss... Wala nga akong asawa!"
Natawa lang sila. "So... hindi po kayo mag-asawa ni Sir Leonel?"
I pursed my lips. Sinasabi ko na nga ba.
"Hey! How did you—" Mas lalo lang tumutunog ang cellphone ko! Tinawanan lang nila ako kaya wala akong naging choice kundi ang tumayo para sagutin ang tawag niya. Sinadya ko pa talagang lumabas para lang magkarinigan kami.
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...