Chapter 28

393 15 0
                                    

Hinilot ko ang bewang ko nang makaramdam ng pangangalay sa posisyon ko. Napatingin ako sa relo at hindi man lang namalayang mag aalas syete na ng gabi. I decided to take overtime dahil sa mga sandamakmak na reports na kailangan kong tapusin.

Sa sobrang busy ko, halos hindi ko napansin ang sunod-sunod na messages ni Leo.

Leo:

Anong oras uwi mo?

Leo:

Darling?

Leo:

Are you busy? Too much paperwork?

Leo:

Ano na bai? Uwi ka pa ba? Hinahanap ka na ng mga anak natin.

Leo:

Can you just give me a reply to para naman malaman ko kung anong plano mo sa buhay.

Leo:

I'm home. Kate just dropped the kids so I'm going to cook dinner. Tell me if magpapasundo ka.

Leo:

Buwesit na Rios. Masyado kang binibigyan ng trabaho.

Pumikit ako. Hindi ko mapigilang matawa sa mga naging message niya. Just like him, kahit ilang overtime ang gawin ko, okay lang kasi alam kong hihintayin niya rin ako.

Namula ako sa naisip. I typed my reply para makapagligpit na ako.

Me:

Pauwi na ako. Sorry for the late reply. Too many reports so I don't have time for my cellphone. Hindi ko nga namalayan ang oras huhuhu

Wala lang minuto, nag reply na agad siya.

Leo:

I will pick you.

Hindi na ako umangal pa. Alam ko rin namang susunduin niya ako kahit anong angal ko. Bumaba na ako at nakita ang guard na inaantok nang nagbabantay kaya medyo nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko.

"Kuya," natatawa akong lumapit sa kaniya kaya napakamot siya sa ulo.

"Ma'am! Overtime po pala kayo. May sundo po o hanapan ko kayo ng taxi?"

"May sundo po ako," I chuckled.

"Aw! Maupo po muna kayo," he said and offered me a seat. Inabot ko ang plastic chair at nahikab pa na naupo. Inaantok na talaga ko at ang bigat-bigat ng ulo ko.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at pansamantalang nag instagram para hindi mabagot. Dumaan sa feed ko ang posted photos ng pinsan ni Leo na si Aries. Siyempre, naintriga ako sa litrato kaya na stalk ko tuloy siya.

My blues.

That was his caption.

Aries' wife is madly beautiful. Kahit na mas matanda ito sa kaniya, parang bata pa rin naman. Parang diwatang naligaw na natagpuan ni Aries. They're happy. Aries is now happy. Sa wakas, pagkatapos niyang maging gago, buti nalang talaga minahal pa siya ng asawa niya.

I swiped it and saw their lovely daughter. Halos lahat namana kay Aries. Ang malalim na dimples nito at ang lalim ng mga mata, masasabi mo talagang mahitsurang bata. Grabeng genes talaga.

Enjoy na enjoy na sana ako nang biglang may bumusina na akala mo'y nasa kabilang kalye ako. Halos maitapon ko 'yung cellphone ko dahil sa gulat. Hindi lang ako huh dahil pati si Kuya Guard, halos umangat ang dalawang balikat.

"Idiot," he called me.

Tumaas ang kilay ko at galit siyang tinitigan. Nagpaalam na ako kay Kuya bago pumasok ng sasakyan.

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon