Hindi ko alam na kayang sirain ng segundo ang buhay ko. Alam kong darating ang araw na magsasabi ako ng totoo tungkol sa mga anak naming but... this is too damn early! Ano? Wala man lang akong oras na paghandaan 'to?! Talagang iisipin kong isa na naman ito sa mga maling desisyon ko?
Matalim akong tinitigan ni Leo. His eyes never blinked. Parang hinuhuli niya ako sa pamamagitan ng kurap. The silence made me more nervous kaya ako na mismo ang pumutol ng katahimikan sa aming dalawa. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa.
"What now, Sa-ab?" may bahid nang pagka-inip ang boses niya.
Kung hindi siya madadala sa maayos na usapan, pwes, makikita niya.
"Umalis ka na. Huwag ka nang babalik dito," malamig kong sabi. Kahit na kinakabahan ako, nagawa ko pa ring magtapang-tapangan.
He smirked.
As if, alam na alam niyang gagawin ko iyon. Halos makalimutan kong... kilalang kilala niya ako. Sumimangot ako at sumenyas kay Kate kaya naman halos magkuhamog siyang pumasok sa loob. Sinundan siya ng tingin ni Leo but I blocked his view. Kumunot ang noo niya at pinagtaasan ako ng kilay.
"May tinatago ka nga..."
"Umuwi ka na. Kung gusto mong makilala ang anak ko, pwes, respetuhin mo muna ang desisyon ko!" sigaw ko.
He opened his eyes. Umiling siya at pagod na sinalubong ang mga mata ko."No. Hindi ako magiging uhaw sa katotohanan," namamaos niyang sabi. "Shit! I'm not dumb as you think, Sa-ab Chiu!" He suddenly grabbed my hand. My jaw dropped because he looked like a growling tiger, galit na galit na siya!
"You really think... I don't get it huh? Sa tingin mo talaga .. hindi ako nagdududa?" Nag-iba ang hitsura niya. Bigla akong kinabahan.
Nagdudududa siya?
Hindi niya naman kailangang magduda!
Binawi ko kaagad ang kamay ko. Galit na agad dahil kinakabahan.
"Bitiwan mo ako! Umalis ka na nga at huwag kang mangingialam sa kung anong buhay meron ako ngayon!" Tinulak ko siya. "At huwag mong sasabihing magkaibigan tayo dahil the moment you sleep with me, nalamatan na iyon!"
His eyes widened. Galit agad siya sa sinabi ko.
"Tell me the truth, Sa-ab! Gusto kong malaman ang rason mo. I won't judge you with this... sabihin mo lang sa akin ang totoo."
Now, I'm very mad.
Anong karapatan niyang hingin sa akin ang katotohanan, kung noon, iniwan niya lang ako pagkatapos ng nangyari? Tinakasan niya ako! Akala niya nakalimutan ko na 'yon?
Umiling ako. "Umuwi ka—"
"Sa-ab!" Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Hinigpitan niya pa dahil alam niyang kakawala ako.
"Tell me the truth! May anak ba tayo, huh? Nabuntis ba kita? Tell me, Sa-ab!" pinagpipilitan niya kahit na panay ang iling ko. Tumulo na ang luha ko. Nakita niya iyon dahil nagsisimula ng pumula ang mukha ko. Sa bawat tanong niya, pakiramdama ko ay hahagulgol ako.
"W-Wala tayong anak." sabi ko kahit na hindi ako makatingin sa kanya.
"Liar!" sigaw niya.
Galit ang naging laman ng titig ko sa kanya. "Talagang nagtatanong ka tapos hindi ka maniniwala?! I thought naniniwala ka sa akin!"
"But you kept lying! Paano ako maniniwala sa 'yo?!"
"Umalis ka na!"
"I expected this... that you're going to deny it." Binitiwan niya ako. "Sa-ab... either you tell me now the truth or I'll do it. I can fucking know the truth, but I respected you... that's why I'm here, asking you to tell me." He cursed again at nang mapagtanto niyang hindi ako magsasabi ng totoo, tinalikuran niya ako. Halatang nagpapakalma ng sarili. "I'll do it... I'll figure it on my own."
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...