"What are you doing here, Mommy?"
Nataranta ako nang makita siya sa labas ng unit namin. Alam kong kasama niya si Carlos pero hindi pa rin ako mapanatag lalo na't nakikita ko ang laki ng pinayat niya.
"Hindi ka dapat pumunta dito. Lagot tayo kay Daddy—"
She chuckled. Nakaupo na siya ngayon sa sofa at may malambot na tela sa hita niya. Carlos stayed outside kaya kaming dalawa lang nag-uusap ngayon.
Maagang umalis si Leo kasama ang mga bata kaya hindi na sila naabutan ni Mommy.
"What brings you here Mom? You should rest," I said before I put down her water. Sumulyap siya roon bago nag-angat ng tingin sa akin.
"I just missed you, sweetheart. Alam kong kahit anong pilit ko, hinding hindi ka dadalaw ulit sa bahay."
I pursed my lips. "Dadalaw ako... kasama ang mga bata but not now. Kilala ko si Daddy. Ayokong madamay ang mga bata sa galit niya sa akin. Ayoko ring pagsalitaan niya ng kung ano-ano si Leo," I said.
Tumango siya. "Naiintindihan ko, anak. Pero kailan pa ba iyon? Kaunting oras nalang meron ako at ayokong—"
"Mommy... please... don't talk like that. You're scaring me," I cut her off.
"That's the truth. Hinang hina na ako... sa totoo lang. Kinaya ko lang ngayon kasi minsan lang ako pagbibigyan ng Daddy mong lumabas. Gusto ko lang makita kita... ang mga bata... si Leo. Gusto ko lang makita kang masaya," aniya at para bang hirap na hirap siyang tapusin ang binibigkas niya.
Napayuko ako. I want to stop my tears... Ayokong maging ma emotional sa harapan ni Mommy.
"Alam kong ang laki ng pagkukulang namin sa iyo. Hindi kami naging perpektong magulang... and every night... I regret it. Pinagsisisihan kong wala akong nagawa. Your father might be cruel... but Sa-ab, believe me... he loves you so much. At alam kong sa bawat taong pinili mong huwag makipag contact sa amin, nasasaktan siya. Alam ko 'yun," she said.
Umangat ang tingin ko kay Mommy. I looked like a crybaby.
She smiled. As if she was telling me that it's okay to cry in front of her.
The pain holds me back. The flashbacks wanted me to keep it all. It haunts me. It was not easy... I had my rough childhood and they wanted me to be the perfect daughter they wanted. I knew in myself that I failed to do it.
"He loves you... so much. Kahit na hindi makatarungan ang mga desisyon niya. Kahit na sinasaktan ka niya pero ang totoo, mas nasasaktan siya kapag nag-aaway kayo. He loves you so much, sweetie. Siguro, 'yung pagmamahal niya ay hindi naging tama para maramdaman mo 'yun. He caged you so much. We failed to be good parents."
Mommy reached for my hand and squeezed it.
"Forgive us... Forgive your father, Sa-ab. Alam kong ang daming taong nasayang. Ilang taon naging miserable ang buhay mo dahil sa paghihigpit ng Daddy mo. Forgive me... forgive us," she can literally cry in front of me but still managed to hold it back.
Forgive me, huh.
Naririnig ko ang salitang 'yun sa tuwing napapaisip ako.
Forgive... forgive them? Forgive them for almost cursing me... for throwing me out to the family?
Forgive myself for being a brat and rebellious daughter? Forgive myself because for how many years... I resented them so much. Na kahit ang galit ko... hindi ko alam kung mapapatawad ko. I hated them so much. Handang handa na sana akong kalimutan sila...
Can I really forgive?
"Are you sure we're doing this?" Leo asked me from behind. Kakatapos lang namin magkalat sa kwarto at nakatunganga lang ako sa repleksyon ko sa salamin.
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...