I opened the door and saw him talking to his dearly cousin. Pareho rin silang napatingin sa akin. Rios smirked as he rolled his eyes on me. Kilala ko na naman siya at alam kong sa kabila ng pagiging disente at pagkakaroon ng guwapong mukha,manyak siya at tarantado.
"Pinapatawag niyo raw ako?" Siyempre kahit anong mangyari, gusto kong maging professional. Ayokong isipin ng iba na dahil malapit kong kaibigan ang pinsan niya at kakilala niya ako ay hindi ko na siya tatratuhing boss.
"Leo told me to call you."
Tumayo si Leo at iniabot sa akin ang isang paperbag. Sa hindi malamang dahilan, halos mabingi ako sa tawa ni Rios. Kumunot ang noo ni Leo dahil hindi ko tinanggap iyon. Pinaglakihan ko siya ng mata. "What the hell are you doing?" I almost whispered kasi ayokong marinig ni Rios. Gusto ko talagang sapakin 'tong baklang to.
"What?"
"Alam mo ba kung anong iisipin ng mga tao sa labas? Bakit mo kailangang ipa telecom sa secretary niya na hinahanap mo ako? Siraulo ka ba?"
Imbes na makinig, inabot niya ang kamay ko at pilit na iniabot sa akin ang paperbag. "Get it. Ang arte nito. It's just a food."
I want to protest more but I also don't want to make a scene pero malalagot siya sa akin mamaya. I get the food and planned to turn my back but the dimwit stopped me. Rios chuckled and flipped his papers. Umawang ang bibig ko—probably because I'm now irritated. I really don't get Leo. Hindi ko na mabasa kung ano ba talaga ang gusto niya.
"Ano?"
"Eat here," he said.
Naningkit ang mata ko. Mas lalo akong kinutuban.
"Why? I want to eat outside. This is not an appropriate place to eat."
"Samahan na kita sa labas kung ganoon," seryoso niyang sagot sabay kuha ng sling bag niya sa couch. My brows were furrowed.
I grabbed that chance para hilahin siya palabas. "What the hell are you doing here Leonel?!" Kinurot ko pa siya kaya napadaing pa siya sa sakit before gripping my hand.
"What?" Nagpatay malisya pa siya. Ibinaba niya ang kamay ko kahit na ang sama ng tingin ko sa kaniya.
"What's wrong kapag sabay tayong kumain Sa-ab?"
"Alam mo," tinuro ko pa siya. I calmed myself kasi may mga dumadaang empleyado na napapatingin sa amin kapag tumataas na ang boses ko. "Ano ba 'tong ginagawa mo? Alam mo ba ang kung ano ang puwede kong isipin sa ginagawa mo?"
Natawa siya.
"Hmmm? What?"
I glared at him. "May gusto ka ba sa akin?"
Maybe, ang kapal ng mukha ko para itanong iyon sa kaniya. I know, of all people, ako ang nakakaalam na never siyang magkakagusto sa isang babae but... I can't think about it more. Nakakapangduda lahat ng kinikilos niya. Ayoko mang lagyan ng malisya pero sa paraan ng kinikilos niya, parang may gusto siya sa akin!
Hindi man lang siya nagulat sa itinanong ko. May kaunting ngisi lang sa labi niya at bahagyang napailing. I suddenly felt embarrassed!
"You're just hungry," he said. Trying to save my face from that weird and stupid question. Shit Sa-ab.
Sa hiya ko, tinalikuran ko siya at hinayaang sumunod siya sa akin. Liliko na sana ako para makabalik sa table ko but he suddenly pulled my arm tapos kinaladkad patungong cafeteria.
"Bitiwan mo nga ang kamay ko," I said.
Binitiwan niya nga ang kamay ko to hold my waist! Nagpupumiglas ako pero sa tuwing sinusubukan ko, mas lalo niya lang hinihigpitan ang hawak niya.
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETED
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature scenes and disturbing contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Discrimination. Confusion. Trauma. How can they...