Chapter 32

406 20 0
                                    

Warning: Trigger warning, Violence

"Do you really think... he can do it?" I asked Kate. Samang-sama 'yung mukha niyang tumingin sa akin dahil sa kinuwento ko.

After that revelation, Leo was seriously mad. Kahit nakayakap ako sa kaniya hanggang sa pagtulog, ramdam ko ang frustrations niya. Parang gusto niya nang matapos ang gabi para kumprontahin si Shiloh.

"Sa tingin mo... anghel 'yang ex ng fiancé mo?" she chuckled.

I sighed. "Hindi naman ibig sabihin na secretary ni Shiloh, siya na ang may gawa. Leo said... she was Shiloh's secretary. Baka may nangyari lang at talagang si Shiloh ang pakay sirain ng video," I said.

"Bahala ka ha... pero ang sama talaga ng duda ko diyan sa Shiloh na 'yan. Ayoko nalang talaga mag-tell!" Natawa na siya. "I mean... may bali-balita na ang harsh ng ex ni Leo. Balita ko ngang napakaseloso rin and... did you know that... he hitted Leo before?"

Napakurap-kurap ako. Hindi... hindi ko alam 'yun.

What...

"Ayokong sabihin 'to kasi... nakichismis lang din naman ako. Noong nagtatago ka pa sa ibang bansa... I used to hear some gossip about them. You know... they were open to the public before," she said. "But there's a speculation na pinagbubuhatan ng kamay ni Shiloh si Leo. There's one night, Leo came to me and tried to ask for your contact abroad. Balot na balot siya pero hindi nakatakas sa akin ang pasa sa gilid ng labi niya. Siyempre, hindi na 'yun ang concern ko kasi panay ang tanong niya tungkol sa iyo and I was like, 'No! wala akong alam! Wala akong alam kung saan siya sa America basta she's living her life peacefully!' and that was it."

What the fuck?

"Are you serious..." napapikit ako at napakamot sa ulo. Bakit ngayon lang 'to naisipang sabihin ni Kate sa akin?

"Parang may sira sa ulo 'yang si Shiloh. Kunwari mabait... pero ramdam mong kaya niyang manakit. Sorry not sorry but he looks like an obsessed psycho," she said.

Kumulo ang dugo ko sa nalaman. Ang sarap din minsan upakan ng pinsan ko. Bakit ba ngayon niya lang 'to sinabi sa akin?! And she answered me, 'hindi ka naman nagtanong!'

Hindi tuloy ako mapakali. The idea of... Leo being hurt by someone...

Nakakagigil.

Noong mga bata pa kami, ako ang lumalaban para sa kaniya. Madalas siyang tinutukso ng mga kalaro namin noon dahil sa pagiging malambot. He will try his best to get used by those bullies at ayoko nu'n. Ayaw niyang may nasasaktan sa harapan niya kaya mas gugustuhin niyang siya ang masaktan. Ayaw niyang may umiiyak dahil sa kaniya kaya mas pipiliin niyang magtiis at tanggapin lahat ng pang-iinsulto mo sa kaniya. Bahala nang pagtawanan siya at makikitawa nalang din kahit na ang totoo ay nasasaktan siya.

And that's why I protected him so much before.

I think... that's what I need to do now.

I closed my eyes again. Shiloh used Leo's weakness. Hindi na ako magugulat doon.

I grabbed my bag. Hindi ako mapakali sa nangyayari. I overthink too much at halos ikalamig ko 'yun.

"Hey! Where are you going?"

"Pulling some ass," I said.

She chuckled. "'Di nga? Saan nga?"

"Ikaw na muna bahala sa mga bata," I said.

"Yeah? As usual."

Lumabas na ako sa unit namin. Dali-dali akong bumaba sa parking lot at hinanap ang sasakyan ko. Kailangan kong magmadali. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pag-uusap nila ngayon.

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon