Chapter 13

526 15 2
                                    

"You're kidding me."

"I'm not," malamig niyang sagot. Umupo siya sa couch bago tumingin ulit sa akin. Nagpipigil akong sampalin siya dahil mas lalo lang niyang ginagawang komplikado ang lahat.

"I told you... don't ruin everything for the sake of our children!" sigaw ko. "Anong iisipin ni Shiloh? Matagal niyong naging sandigan ang isa't isa... and just because of this, you ended it like it was just easy and nothing?! How could you do that to your man!"

"Hindi ganoon kadali iyon! Masakit at mahirap din sa akin pero this is what I want! This is the best. Ayoko ring ilagay sa komplikadong sitwasyon si Shiloh. Alam kong mahirap sa kanya ito pero hindi niya lang sinasabi," katuwiran niya.

"Nothing will change! Puwede pa naman maging kayo kung gusto mo talaga! Puwede kang maging ama sa mga bata kahit na magkarelasyon kayo!"

"But it is not easy! Anong iisIpin ng mga bata kapag nalaman nila ang tungkol sa amin?!"

Natigilan ako.

What?

"Y-You really think... na iisipin ng mga anak mo iyon? That's not what—"

"But the society will! Maaring tatanggapin ng mga bata ang totoo pero... hindi iyon maiintindihan ng lahat. And what? Anong magiging kapalit? Katahimikan nila? They will become the favourite pick? Mabu-bully sila? People will keep talking behind their back, throwing disgusting and unjust lies because they have... a father like me? A gay and wants men?" Nahihirapan niyang tanong. "Tell me Sa-ab. Ano nga ba dapat gawin? I'm thinking about our children's future here."

Hindi ako makapaniwala. Parang hindi ko naiintindihan. Kilala ko siya bilang walang pake sa sinasabi ng ibang tao. What changed, huh?

Pumikit ako.

Pinakalma ko ang sarili ko dahil kahit na ganito, ayokong mag-away kami.

"Ipapakilala ko sila sa pamilya ko."

He was shocked for a second but... maintained his self, trying to restrain asking questions.

"Pinaghandaan ko iyon noon pero nang makita ko si Dad... naduwag ako. But... for the sake of the kids, I'll throw my fear out in the window. I'm going to protect them and their image. I won't let them suffer because of my family. Like you, proproktehan ko sila kaya you don't need to sacrifice everything... your relationship with Shiloh. He's the best for you—"

"He's not the best for me."

I sighed. "Paano mo nasasabi iyan? Matagal kayong nagsama ni Shiloh! Paano mo nasasabing—"

"Ang mga anak ko... ang makakabuti para sa akin," dagdag niya. "This family... is the best for me."

Napakurap-kurap ako. Siguro, iyong utak ko, nagloading sa sinabi niya.

Family?

Pumikit siya.

"Sa-ab... Please trust my decision. Ginusto kong makipaghiwalay kay Shiloh... for the best, for my children... for you, okay?"

"For me?!" Tumaas ang boses ko at dahan-dahang kumunot ang noo.

He smirked. He flipped his bangs bago sinuklay ang daliri sa kabuohan ng buhok niya.

"Looked so flushed? Kilig ka girl?"

"Hah!" binato ko siya agad ng unan. "Ba't ako kikiligin sa iyo? Kahit na hiwalay kayo ni Shiloh, wala akong pakialam sa lovelife mo! You can still date another man. if someday, mauntog iyang ulo mo at maisip na mali ang desisyon mo. Also, I can date any man that will satisfy my needs and deserve my love!"

Destiny's Mistake (Castillo Series #2)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon