SAINT JAXSEN (POV 02)

16.7K 234 99
                                        

JAX’S POV 02



I've been sick all week. The following week, Mama sent me to the Philippines to lock me in my room as punishment for lying and being sick. I was only brought food once a day and people in the house were not allowed to talk to me. No television and nothing in the room to entertain me. Kahit ang rubik’s cube ko’y naiwan sa Ireland. They don't even tell Grandma that I'm here in the Philippines until after the summer break. There is no ghost here but I am afraid of the extreme silence of every corner of the room. I can’t breathe here. I want to go back to Ireland.

“I’m sorry, Mama. I miss you…” Even if Mama ignores me, I want to see her every day.

I miss my room there and the house, kahit na walang pinagkaiba doon at dito na walang kumakausap sa akin. Still, I want to live under a roof where Mama is.

“Mama, my stomach hurts. I'm hungry…” I rubbed the back of my hand on my nose and sniffled loudly.

Umiiyak akong nakahiga sa kama, nakabaluktot, at nakahawak sa aking tiyan. As if the pain in my stomach would go away if my hand was covering it. While wiping my snots and tears, I heard a loud thump on the small door leading to the cramped terrace. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at ang mga kamay ay naalis ko sa aking tiyan. I sat on the edge of the bed and peeked through the curtain covering the door. At first, I thought it was just the wind, ngunit nang lapitan at buksan ko ang maliit na pinto, nakita ko roon ang laruan na minsan ko lang nakita na lumilipad sa langit habang nasa sasakyan ako pauwi sa school.

Umiikot-ikot iyon at tumutunog hanggang sa tuluyan na tumigil sa paggalaw. It’s a broken toy helicopter. Sampung rubic’s cube ang haba nito at ang tangkad ay apat na pinagpatong-patong na rubik’s cube. Hinahangin ang elisi at ang ilaw sa harapan nito ay kukurap-kurap. I was amazed because it was the first time I saw a toy like this. Mas malaki ito kumpara sa mga dinadala sa aking laruan ni Lola at sa palagay ko ay kusang lumilipad kaya napunta sa terrace ko. Laruan lang subalit kopyang-kopya nito ang nakita kong lumilipad sa langit noon.

Lumabas ako sa pang-isahan at pambata na terrace at dumungaw sa ibaba upang malaman kung saan nanggaling iyon. Madilim na at tanging malamig na hangin at pumapagaspas na dahon lamang ang nadungaw ko. Nakalabi kong niyuko ang laruan. Binigyan ko ng huling sulyap ang dilim bago ko iyon dinampot at dinala sa loob ng kuwarto. Nilapag ko iyon sa kama at nakalabi at nakapamewang na tinitigan lang. Hanggang sa mapagdesisyunan ko na silipin ang loob at alamin kung ano ang nasira. Mayroong naputol doon na wire. Sa palagay ko ay sumabit o ‘di kaya ay nahila nang tumama sa mga sanga ng puno.

“I watched about the wires. Can I try that here?” I pouted. “Won't the owner of this toy get mad at me if I fix it? Paano kung lalo kong masira?”

I pace back and forth before I thought of trying to fix the toy. Kumuha ako ng upuan at naghanap sa closet at banyo ng maaari kong magamit pang-ayos doon. Binuksan ko at sa huli’y napagana ko ang ilaw niyon. I turned the light on and off. Tinaas ko iyon at kunwaring pinapalipad sa ere habang ako’y tumatakbo. Humagikgik ako at gumawa ng peke na tunog ng helicopter sa aking bibig. Hindi ko alam ang tunog ng helicopter kaya nag-tunog iyon na train.

When I felt tired, I fell asleep peacefully holding the toy helicopter. Nagising ako dahil sa malakas na ingay ng iyak. Nagkukusot ako ng mata nang makita ang pintuan ng terrace na hindi ko naisara. Makalat ang kama ko. I even forgot to tidy up the things I used to repair the toy.

“Umikot na tayo pero wala nga rito, Enzo! Umuwi na tayo—”

“Papa just bought it! Pagagalitan ako kapag nalaman  niya na nawala ko ang laruan na binili niya! He will never buy me a toy with a remote control again! I'm sick of toy cars! Gusto ko ng lumilipad na laruan!”

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon