JAX’S POV 04
“Do you think it’s fine?” Habang naglalakad siya palapit kay Xena at pinapakita rito ang hawak niya, hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kaniya
I have to stop and catch my heart from my chest while staring carefully at the woman in front of me. Her long black eyelashes are flickering with every blink of her eyes. I licked my lips and swallowed while my eyes were on her lips, it’s moving because she’s talking to Xena. Parang ang sarap pahintuin sa paggalaw ang mga labi niya gamit ang halik. If she's still my girlfriend, I'll walk closer, grab her nape, and kiss her deeply.
It’s been seven years since the last time I saw her face. Pero ngayon na kaharap ko siya, parang kahapon lang nang huli kaming magkita. She’s more beautiful now, but in my eyes she’s still the same and nothing has changed about her. Her voice, movements, and lips that even if not touched yet can be said to be soft. Her long black hair that is the same color as her pair of eyes and eyelashes. Her height is still the same as before but her body is firmer now and her shape has gotten better.
Abala siyang mag-scroll sa hawak niya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan at hinintay na makita niya ako. Napalunok ako nang sa wakas ay mag-angat siya ng mukha at magtama ang aming tingin. Her eyes as dark as night almost stopped my breathing. Pinasok ko ang mga kamay sa aking bulsa dahil pakiramdam ko’y bahagyang nanginig iyon at pinagpawisan. Kabado akong pasikreto na lumunok bago pinatalim ang tingin sa kaniya at tinigasan ang pagkakatayo. Hindi siya nagulat at sa palagay ko’y alam na nandito ako. She must have seen my name on Xena's wedding invitation.
Ano ang ginagawa niya rito? Ano? Pagkatapos ng pitong taon at saka mo ako hahabulin dahil nahanap mo ako? Isn’t it too late for that? Did you think I was as easy as I was before? Do you think I'll fall fast with just one look at you? Do you think I’ll let you fool me twice? Paghirapan mo ako kung gusto mo talaga akong makuha ulit, Clementine.
“What are you doing here? Can you leave? I don't want to see you on the island—”
“Then tell that to Xena.”
Humakbang siya palapit, nakatingala at nakangisi sa akin. Nakatitig ako sa mga labi niya’t pinigilan ang mga paa na mapaatras. Naamoy ko siya nang dumaan ang hangin sa pagitan namin. She smells like sweet flowers. I glanced at what she was holding and realized that she was showing Xena bouquets of flowers. Malamang na kumapit sa kaniya ang amoy ng dala nilang mababangong bulaklak.
“Siya ang nag-hire sa akin kaya siya lang ang makakapagpaalis sa akin. Hindi mo ako mauutusan kahit isa ka pa sa mga may-ari nang isla na iyon.”
Tumaas ang isang kilay niya at naghahamon. Nang gumilid ang mukha niya’y napunta sa leeg niya ang mata ko. May mga sinasabi siya ngunit hindi ko na siya maintindihan dahil nalulula ako sa lapit ng mukha niya, sa mabangong amoy niya, sa galaw ng mga labi, at sa tanaw ng mata ko na leeg niya.
“Hindi mo kaya? Oh sige, ako na ang magsasabi na pinapaalis mo ako.”
Umalis siya sa harapan ko. Nang mawala siya, sandali akong natulala. Kumuyom ang mga kamay kong nasa bulsa at nagngalit ang mga panga. Paano kung pumayag si Xena at hindi talaga siya isama? Lakad-takbo akong sumunod. Habang nilalagpasan siya, nagsalita ako.
“Forget it. Just don't come near me while you’re on the island.”
Nahinto ang mga paa ko nang marinig ko siyang tumawa. Binalikan ko siya ng tingin. Siya naman ang lumagpas sa akin ngayon habang nagsasalita siya.
“Don't worry because I don't go near when I know I'm allergic to something.”
Umawang ang bibig ko habang pinoproseso ang sinabi niya. Naipagdiinan ko ang mga labi ko. Where is she allergic to? To me? Tiningnan ko siya ng masama nang lagpasan niya ako. Tumingala ako at pumikit ng mariin. Nagbuga ako ng mabigat na hangin bago padabog na pumasok sa chopper. Is she really here to work and not because of me? At bakit naiinis ako kung trabaho nga ang pakay niya?
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romantik"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...
