NANINGIL AKO PERO IBA ANG NAIUWI KO

19 0 0
                                        

NANINGIL AKO PERO IBA ANG NAIUWI KO

"TAO PO!" Tawag ko.

"TAO PO!" Tawag ko ulit.

"TAP PO!" Walang sumagot.

"ALING MARITES!" Tawag ko ulit pero walang lumabas at sumagot.

"ALING MARITES NA ASAWA NI MANONG ROBERTO NA LASINGGERO!" Wala pa rin talagang sumagot pero may narinig akong parang naghahasa ng kutsilyo pero hindi ko iyon pinansin.

"Aling Marites, maniningil lang ho sana ako. Iyong utang n'yo raw po kay mama na dos.  Sisingilin ko lang ho sana pambili po namin ng paminta na ilalagay sa adobong manok na pula ng kapitbahay na tinirador ko kanina." Wala pa ring nasagot ngunit may narinig akong naglalakad palapit sa pinto.

Ayan na ata si Aling Marites.

"Aling Marites? Ikaw na po ba 'yan?" Ngunit nainis na talaga ako ng hindi pa rin s'ya sumagot.

"Aling Marites na chismosa ng Barangay Haliparot, nariyan po ba kayo—"

Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Aling Marites na may hawak na makinang na bagay, kutsilyo ata iyon at sa sobrang gulat ko ay tumakbo ako ngunit nakita kong sumusunod pa rin si Aling Marites kaya mas binilisan kopa lalo hanggang sa 'di ko na s'ya matanaw.

"Ha! Akala mo Aling Marites ha? Dati akong athlete alam mo ba? HAHAHA"
Humalakhak ako habang naglalakad ng nakatalikod sa dinaraanan ko dahil sinisilip ko si Aling Marites baka nasa likuran ko na pala ng biglang—

"ARAAAAY!" Natalisod ako at tumama ang mukha ko sa isang malambot na bagay at m-mabaho. T-Teka,

"Tae ba 'to?" Pinahid ko ang kamay ko sa mukha ko at inamoy at saka ko lang napagtanto na tama ako. Tae nga.

"T-TEKA, ANO? TAE?" inamoy ko ulit at tama nga ako.

"AAAAAAAAAH! YAAAK! MAAA!" Nagsisisigaw ako habang tumatakbo pauwi ng bahay.

KASALANAN MO 'TO ALING MARITES!

𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍Stories to obsess over. Discover now