PUNYAL NG PAG-IBIG
[masakit ang tarak ng punyal ng pag-ibig]
—&&
Gabing kaydilim no'n at dinig na dinig ang tikatik ng ulan kasabay ng damdaming hindi ko mapangalanan. Magulo. Sobrang gulo at tila'y may kung anong bumabagabag sa 'kin at ako'y nagulantang sa lakas ng isang yabag palapit sa aking silid—ako'y biglang nanginig.
Sapagkat sa mga oras na ito'y wala akong kasama at tiyak kong sa pagbukas ng aking pinto ay iba ang aking makikita—isang hindi ko kilala.
Ngunit ako'y nagkamali.
Sapagkat siya ang bisitang biglang dumating, hindi ko inaakala—kaibigan ko pala. At sa aking pagkagulat ay hindi ko namalayang isang punyal na pala ang sa dibdib ko'y tumarak. At sa aking pagbagsak ay dinig ko ang isang malakas na halakhak kasabay ng luha kong hindi ko inaasahang papatak.
Dahil may isang taong pamilyar akong nasulyapan mula sa aking durungawan—ang aking kasintahan. Isang mapait na ngiti ang biglang namutawi sa aking mga labi.
Ngunit nakatatawa na ang kasiyahan n'ya pa rin ang aking hiniling bago ako tuluyang lamunin ng dilim.
YOU ARE READING
𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍
RandomCompilation of short stories I made and posted on my Fb account.
