He's m- - -

21 2 0
                                    

I know napaka common na yung tipong mahirap kalang tas papasok ka sa isang sikat na school, bu-bully-hin ka at may magliligtas sa'yong poging lalaki at...
At..

Well...try reading this one and react afterwards

Yeah! I'm just a transferee at this pretigious school, yet the lucky one to be a scholar student. At nung first day ko palang ay may nanlait na agad sakin. No wonder! They're elites and I'm just a commoner. Isang basura sa paningin para sa mayayamang tulad nila. One time , habang may tinitingnan ako sa bulletin board ay may biglang humila ng buhok ko at tinulak ako - - shet! Ayun saldak ako sa semento at masaket sa pwet of course!

"You deserve it girl! Bawal basura dito! Shupeeee!" Sabi nung isang babaeng maganda, maputi , matangkad-- in short model-like and angel-look! Pero maldita at nakaiirita sya kaya napairap nalang ako sa sobrang sakit ng pagkakasaldak ko dagdag pa ng tawanan ng mga tao sa paligid.

"Look girl! She just rolled an eyes on you!" Sabi nung babae sa gilid kaya napataas ng kilay ng maputing babae na akala koy anghel pero demonya pala at bigla syang lumapit sakin at binigyan ako ng maghipag na sampal--leche! Masakeet!

"No one dared rolling an eyes to this queen.." sabi nya tsaka tinuro ang sarili nya

"...it's only you who did. So you deserve a lot of slap!" Tsaka nya tinaas muli ang palad nya para sampalin ako but I felt no hand laid on my face kaya napamulat ako malay n'yo nanti-trip lang to--pero isa nanamang anghel ang bumungad sakin!

Don't tell me, demonyo din to? Nako! Jusme! Wag naman sana! Ewan ko!

I just found myself staring at him. Grabe ang gwapo! At wala na akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila at napabalik nalang ako sa wisyo ng tinulak n'ya yung angel-devil girl at bigla akong hinila at dinala sa

''CLINIC?" Waaaah! I think he's my knight in shining armour. Pero teka bakit nga ba kami nasa clinic?

"Nurse treat her wound." Utos n'ya sa nurse at iniupo nya ako sa upuan d'on tsaka sya sumandal sa pader--cool shet!

Nakita ko namng namula yung nurse. What the!  Hoy! You don't have the right to blush infront of my knight!

Maya maya lumapit sakin yung nurse but I frowned at tinaasan ko s'ya ng kilay gaya ng ginawa nung babae kanina pero nagmuka akong ewan sa ginawa ko kasi parehong kilay ko ang sabay na tumaas kaya ibinaba ko nalang epic eh! Trying hard. Tss!

"Give her your hand" sabi ng pogi kong knight at napalingon naman ako sa kanya at kusang ngumiti yung labi ko at kusa ko ding iniabot ang kamay ko sa nurse habang nakangiti padin at sa kanya nakatingin ng- -

"OUCH!!!OUCH!!AAAH!!­OUCH!!!!" The heck! Hindi ko alam kung anong ikot ang gagawen ko ng lagyan ng nurse ang kamay ko ng kung ano! Damn! Nagkasugat pala ako? Bat diko alam? Tsk. Arte naman ng balat kong to dahil bato sa pagtulak sakin ng angel-devil girl nayon? Tss!

Maya maya natapos na ang panggmagamot sa sugat ko at tatayo na sana ako ng--

"No. Just sit and Rest." Sabi ng pogi kong knight habang nakatingin sakin.

Ewmeygesh! Buti nalang biglang nagsalita yung nurse

"Your name miss? Para sa medicine?" Whoa! Taray! Clinic lang to ha? At gasgas lang to tapos medicine agad? Samantalang dun samen, ospital nayun ha pero pipila kapa kapag nahimatay ka! TSS! Sasagot na sana ako ng--

" Zofiah Villasar" nagulat ako ng banggitin ng pogi kong knight ang full name ko.

Waaaah! How did he knew my name? Don't tell me secret admirer ko to? Secret follower? Or--

" Stalker ba kita? How'd you know my name?" Tanong ko but he just looked at me at tanging 'TSS' lang ang nakuha kong response tsaka nya tinuro ang ID ko - - aw! Oonga pala may ID nga pala ako.
Then finlashback ko yung pag sabi nya ng 'TSS' kanina potek! Bakit ang cool tingnan at pakinggan? Kasi kapag ako nagsasabi ng ganoon para akong nagtataboy ng aso eh! Pero sya - - waaaah! and cool shettt!

____
Simula nun, palagi ko na s'yang sinusundan kasi sabi ko I need a knight beside me pero tumawa lang sya at hindi naman nagreklamo. Damn! Even the way he laugh was damn cool! And yeah! Pretty cool when we became closer to each other. And I didn't knew that having those serious look yet cool personality has this funny and humurous side of him. And I can't imagine to have this popular cool handsome guy friend in this school. Kaya sabi ko sa sarili ko 'someday pag sinulat ko ang name ko, apelyedo mo na ang gagamitin ko'
And yeah! It happened! And we even live in the same roof!

Dahil ako pala ang long lost sister nya!

-meanieeMe-
January 11, 2020

𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍Where stories live. Discover now