IPIS

9 0 0
                                        

Hello, ako si margo. Isa akong ipis at ito ang aking kwento.

Nakatira ako sa isang malaking bahay na de aircon kaya mainggit kayo. Sumilip ako sa maliit na bukás ng cabinet kung saan ako tahimik at lihim na naninirahan kasama ng aking mga kasamahan.

At ayon nga, nakita ko ang isang lalaki na kumuha ng milk sa ref at tanaw na tanaw ko ang kan'yang six pack abs na kumikinang. Tanga kasi 'yong amo ko, naka topless kahit malamig pero okay lang, magandang view.

"Yaya, maglagay ka ulit ng naphthalene balls sa cabinet ha?" Utos ng amo ko sa kan'yang yaya. At s'ya si Rai Yuma, ang may-ari ng bahay na 'yo. Oo 'yan ang pangalan at apelyedo n'ya.

Bago pa kami ipagtabuyan, ay binalitaan ko na ang aking mga kasamahan na lumipat na kami ng pwesto bago pa kami mamatay ng sabay sabay.

Syempre una kong sinabihan si xevi (crush ko 'yon e) bago ko sinabihan ang ibang kauri kong ipis.

"Mga kasama, umalis na tayo rito dahil maglalagay na naman  ng mentos sa cabinet 'yong matandang babae na wala pa ring jowa." Pagkasabi ko nun ay kumilos na kami para humanap ng bagong pwesto.

Isang araw, lalapitan ko sana si xevi dahil magtatapat na sana ako ng aking nararamdaman na ilang taon kong tinago. Ngunit, isang masakit na senaryo ang aking nadatnan.

Si Xevi at si kiya ay nag aanuhan. I mean nagyayakapan (utak n'yo pakitanggal muna).

Tila nadurog ang aking apdo sa aking nakita at hindi ko na nakayanan.

Kumuha ako ng tali at isinabit ko iyon sa itaas at ipinalupot sa aking leeg.

"Paalam xevi mahal ko." At isang patak ng muta ang bumagsak sa aking mata bago ako tuluyang mawalan ng hininga.

lol

𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍Stories to obsess over. Discover now