𝗠𝗔𝗔𝗔𝗔! 𝗟𝗔𝗚𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗔 '𝗧𝗢?

13 0 0
                                        

𝗠𝗔𝗔𝗔𝗔! 𝗟𝗔𝗚𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗔 '𝗧𝗢?

Matapos kong hugasan ang pinggan ng nakangiti (mainggit kayo), umakyat na ako sa kwarto ko, ngunit nang mapadaan ako sa kwarto ng ate ko, nakita ko ang nakababata kong kapatid na si Eiron.

Pumasok ako at nagulat sa ginagawa n'ya kaya sumigaw ako.

"ATEEE! ATEEE! SI EIROOOONBXKLJSDFTEIPW-" agad n'yang tinakpan ang bibig ko pero huli na. Nandito na si ate.

"Anong ginagawa n'yo sa kwarto ko?" Iritang tanong ng maldita kong ate na walang jowa.

I smirked at tinuro si Eiron. At dahil ako ang pinaghugas mo ng pinggan, patay ka sa 'kin ngayon.

"Si Eiron ate, nakita kong sinusuot 'yong napkin mo." Mayabang na sumbong ko. Ha! Akala mo ha?

"Ate, 'wag kang maniwala kay Kuya Brian!-" hindi n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng ipakita ko ang picture n'ya kay ate habang sinusuot ang napkin ni ate.

"Hoy, hoy, ano 'tong ingay na naririnig ko?" Biglang dumating si mama.

"Iyang bunso mong anak, ma, nakita kong sinusuot ang napkin ni ate." Sumbong ko. Sumbungero ako eh.

"Oh, eh anong problema? Eh, ikaw nga nakita kong sinuot mo ang bra ng ate mo kagabi at nag rampa rampa ka pa eh-"

"ANOOOO?" Masamang tumingin sa 'kin si ate.

"A-Ano, ate kasi-"

"BRIAAAAAAAN! LUMAPIT KA RITOO, TANGSNAMOCA KAYA PALA WALA 'YONG BRA KO SA DRAWER KAGABI!"

Sumirit ako ng takbo pababa at halos dal'wang hakbang nalang ang nagawa kong hakbang pababa ng hagdan at diretso sa labas ng gate.

MAAAA! PA'NO MO NAGAGAWA SA 'KIN 'TO. BAKIT MO AKO NILAGLAG?

MY BEAUTY IS SO HAGGARD NA TULOY;<

𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍Where stories live. Discover now