KAPE

7 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng awitin na nagmumula sa kapitbahay. I looked at the clock and 3:00 am na, but still hindi pa rin nananahimik ang kapitbahay namin. May birthday-han ata sa kanila pero hindi ko alam kung sinong nang-iwan kay koyang kumakanta kasi halos lahat ng narinig kong awit ay pang broccane. Kaya kung sino man hong nang-iwan sa kapitbahay namin, please pakibalikan na ho, gusto ko pang matulog.

Ibabalot ko pa sana ang sarili ko sa kumot na parang shanghai ngunit may isang halimuyak na nagpabangon sa akin. Isang aroma na tila ba nagsasabing, "ganda magkape ka na". Oo, ’yon talaga ang sinasabi. Kaya kahit medyo inaantok pa ako, kasi late na ako natulog kagabi hindi dahil may ka-bebetime ako kundi hinintay kong lumipad ’yong ipis na nasa kurtina ng bintana ko malapit sa higaan ko.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina para magkape ngunit biglang nawala ang aromang nakakaadik amuyin kanina. Napabusangot na lang ako at kumuha ng mug, kutsara and of course ng kape at nagtimpla. Habang hinahalo ko at inaamoy ang bango ng aking kape  ay naramdaman kong may mga brasong yumakap sa akin mula sa likuran. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit n’yang hininga sa aking leeg at ang maskulado n’yang katawan at malalaking bisig na nakayakap sa akin. Bigla akong napangiti ngunit bigla ring napahinto nang maisip kong ako lang pala mag-isa rito sa bahay. Naimulat ko ang aking mata at tumingin sa likuran ngunit walang tao.

Bigla akong kinilabutan kaya kumaripas ako ng takbo pabalik sa aking kwarto.

Oo, coffee is life pero hinding hindi na ako magk-kape t'wing alas tres ng madaling araw.

Hahaha.

𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍Where stories live. Discover now