Chapter 3: Free Stay

56 3 0
                                        

Chapter 3: Free Stay

—YSLA ALONZAGA—

"Anak gising, sinusundo ka na ng lolo mo."

Agad akong napaupo mula sa kama dahil sa sinabi ni mommy.

"Mommy naman, wala na si Lolo. Ano na naman bang trip mo." Busangot kong sabi dito pero tinawanan lang ako nito.

"Andyan sa baba si Aloha. Dito daw muna s'ya sa'tin." Sagot ni Mommy sa akin.

Napakamot na lang ako sa ulo ko bago hablutin ang phone at nakitang 9:30 na pala. Ang late ko na masyado nagising. Ito namang si Mommy, gigisingin na lang ako, idadamay pa si Lolo. 

Nagunat-unat pa muna ako bago magtiklop ng pinaghigaan ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang tamad tamad ko dahil anong oras na naman ako bumangon pero dahil wala namang pasok ay okay lang. Okay lang maging tamad. 

Nang matapos na ako sa nakakatamad na pagtitiklop ay nagderetso na ako sa baba dahil naaamoy ko na 'yung mabangong agahan na niluluto ni Mommy na hindi ko alam kung agahan pa ba kasi anong oras na din naman. 

Kaso pagdating ko don ay nakita kong kumakain na agad si Aloha.

Wow, nauna pa kaysa sa mayari ng bahay. 

"Agang aga mo na naman tumambay dito." Sabi ko bago umupo sa tabi nito bago ko itaas ang aking paa.

Agad naman akong dumampot ng spam at kinagatan na ito agad dahil nagugutom na ako. Nakakagutom din kasing maging tamad. 

Busy pa ako sa paglasap sa kinakain ko nang unahan naman ako ni Aloha ng chika dahilan para muntik na akong mabulunan. 

"Sa bahay na umuuwi si Kuya Khan." Banggit nito dahilan para malaglag ang kinakain ko.

Isang linggo na ang makalipas matapos nung nangyari sa dun sa SAGO na 'yon at isang linggo na din ang nakalipas na wala akong balita kay Kun at kay Kuya Khan.

Wala naman nang ibang nabanggit si Aloha sa akin last week bukod sa hindi na raw sinabi nitong si Aloha at Kun sa mga magulang nila 'yung naabutan nila sa hotel. 

Hindi ko din alam kung nagpaliwanag ba itong panganay nilang kapatid sa kanila about doon sa nangyari at naabutan nila lalo pa at ang alam ko ay hindi sila gaanong close doon kay Kuya Khan, maliban na lang dito kay Aloha pero pakialam ko ba diba. 

"Hindi ba may kinuhang unit 'yon noon kasi malayo pag uwian siya sa inyo." Banggit naman ni Mommy.

"'Yun na nga po. Doon naman talaga siya sa condo niya tumutuloy hanggang last week. Hindi namin magets si Kuya kung bakit sa amin pa siya umuuwi ngayon. Pag naman tinatanong nila Mommy, ang sagot niya lang 'masama ba umuwi dito. Parang 'di nyo ko namimiss.'." Panggagaya pa ng kaibigan ko sa kapatid nito. 

Tumikhim pa muna ako bago magsalin ng tubig sa baso ko. 

"Malay mo nga naman namimiss kayo diba." Patay malisyang sabi ko dito pero nginiwian lang ako ni Aloha bago marahas na tinusok ang spam na nasa plato niya. 

"Mukha niya. Pinapahirapan lang niya sarili niya." 

"E bakit andito ka? Umuwi na pala kapatid mo. Ayaw mo non, bonding kayo." Sabi ko dito pero bigla na lang itong nagpapadyak na para bang batang ayaw umuwi sa kanila. 

"Nakakastress kasi! Uuwi uwi pa siya kung ganon lang din sila nung isa kong magaling na kapatid. Hindi naman sila nagaaway pero parang malapit na sila magaway." Kunot ang noong sabi ni Aloha at hindi ko na din gaanong maintindihan ang itsura nito. 

Hindi ko alam kung saan ako maiistress, sa kinekwento ba niya, sa kalagayan ng spam sa plato nito o sa dami ng reaction na kaya nitong gawin habang nagkekwento ito sa amin ni Mommy. 

Go With The FlowWhere stories live. Discover now