CLS : UWMA17 - FLASHBACK II

30 9 0
                                    

LORRAINE'S POV.

Kinabukasan...

Nandito ako sa condo ko ngayon. Inip na inip ako kaya naisipan kong ayusin at linisin na lang ang buong unit na inuokupa ko.

Mula sa sala hanggang sa stock room at nilinis ko na. Hanggang sa yung mismong kwarto ko na lang ang hindi ko pa nalilinis.

Pumunta muna ako sa kusina, para uminom ng malamig na tubig. Umupo ako sa stall na nandito, at hindi ko maiwasang isipin kumusta na kaya siya? Kumain na kaya siya? Nakakatulog kaya siya ng maaga? Nakakapagpahinga ba siya o hindi? May nahanap na nga kaya siyang iba?

Hayst ewan ko! Hindi ko alam ang sagot kasi simula nung umalis siya hindi niya na ako kinokontak. Iniisip ko na nga lang baka masyado lang siyang abala sa pag - aasikaso sa business nila at maging sa meeting na dinaluhan nila. Siya na kasi ang nakatakdang pumalit na CEO ng business nila dito sa Pilipinas na matatagpuan sa Puerto Gallera, Davao, Bicol at Manila. Kaya yun iniintindi ko na lang ang kalagayan at sitwasyon niya.

Todo bawi, lambing at suyo naman siya sa akin. Palagi din siyang may dalang pasalubong para sa akin kaya ayos lang. Hindi ko lang talaga maiwasang mamiss kaagad siya sa tuwing sumasagi siya sa isip ko.

Dibale, balita ko naman pauwi naman na siya bukas.

Kaya tumayo na ako at hinugasan sa lababo ang basong ginamit ko sa pag - inom ng tubig. Nagsaing na rin ako at nagluto ng ulam. Nagugutom na ako.

Halos hapon na rin kasi nang mapagdesisyunan kong magpahinga - medyo ngayon lang din kasi ako nakaramdam ng pagod.

35minutes later...

Tapos na akong magsaing at magluto ng ulam ko.
Hinain ko na mula sa gas stove ang kalderong may lamang kanin. Nagsandok ako ng kaunting kanin at nilagay sa plato, pagkatapos ay naglagay na rin ako sa bowl ng ulam na niluto ko - adobong manok. Nagsalin na rin ako ng tubig sa baso, nagdala ng cheesecake at coke to serve as my dessert at nilagay sa utility tray.

Napagdesisyunan kong dalhin na lang sa kwarto ang hinanda kong pagkain. Nilagay ko ang dala kong pagkain study table ko. Kumuha lang ako saglit ng upuan at nagsimula na nga akong kumain.

8pm.

Calling...

Medyo gabi na pero hindi pa rin ako makatulog kaya nanood na lang muna ako ng palabas sa tv. Nang biglang yun nga po may tumawag...

Hindi na ako nag - abala pang tignan ang screen ng selpon kk para alamin sino ang tumawag. Wala naman akong pakialam!

Sinagot ko na ang tawag.

"Hello. Sino toh?" - tanong ko sa kabilang linya.

"It's me Renz." - sagot naman ng tao na nasa kabilang linya.

"O, Renz ikaw pala. Napatawag ka, bakit?"

"Gusto ko lang marinig ang boses mo. At syempre dahil sobrang miss na miss na miss na din kita."

"Miss na miss na din kita, Renren ko. Kaya bumalik ka na."

"Babalik na ako bukas. Ano ba gusto mong pasalubong?"

"Ikaw na bahala Renren ko, ang importante lang naman sa akin ay ang presensya mo. Kaya bilisan munang umuwi, okay?"

"Opo, Kitty Khate ko. Napaghahalataan ka."

"Anong napaghahalataan?"

"Napaghahalataang excited kang masyado na makita at makasama ako."

"Hindi kaya, excited lang ako sa pasalubong mo. Sige na bye."

"Bye."

"Good night, Renren ko."

"Good night, Kitty Khate ko."

"I love you." - pahabol na sabi niya pa bago tuluyang in-end ang tawag.

"I love you too. But I'm not still ready to be in a relationship again. Sorry." - mahinang bulong ko. Tila humihiling na sana narinig niya ang sinabi ko. Kaya lang nahuli na naman ako ng sabi.

Nilagay ko na ang selpon ko sa ibabaw ng study table, katabi ng alarm clock, at ng lampshade.

Pinatay ko na ang ilaw, at humiga na sa kama ko. I decided na bukas na lang ipagpatuloy ang paglilinis. Pagod na ako and I need some rest. Beauty rest para sa pagkikita namin ni Renz bukas. Uuwi na siya, and I am so damn excited to see him again and be with his side again.

I think I am falling in love on him again, NOW!

Napakasarap at napakasaya ngunit natatakot ako. Natatakot ako sa posibilidad na masaktan na naman ako sa pangalawang pagkakataon na magmamahal ako.

Gusto ko sumugal at sumubok muli. Pero hindi ko na kaya, ayoko ng masaktan pang muli.
Kaya pasensya ka na Renren ko, mahal kita pero hindi pa pwede. Hindi pwede hangga't hindi ka nakakasiguro sa aking ako lang talaga ang mahal at babae sa buhay mo at wala ng iba pa.

[ END OF LORRAINE'S POV ]



COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now