RENZ POV.
Lumabas din naman kaagad ako ng kwarto.
Bumaba ako, nadaanan ko sila Mom and Dad sa sala na nanonood ng paborito nilang palabas.
Tungkol pa rin sa business. Kahit kailan talaga, napaka business minded ng mga magulang ko. Hayst, minsan nakakasawa na silang makitang dalawa na palaging ganiyan na lang ang ginagawa.
Tuloy pati kasiyahan ko, hahadlangan nila para lang sa sarili nilang kagustuhan.
Ayaw ko man silang pansinin dahil galit at nagtatampo pa rin ako sa kanila ay lumapit pa rin ako.
"Alis na po ako." - paalam ko.
"Saan ka pupunta?" - tanong ni Mom.
"Sa mansion po nila Lorraine." - magalang at walang bahid ng pagsisinungaling na sagot ko.
"Bakit?" - tanong ni Dad.
"May importanteng lakad lang po akong pupuntahan, at gusto kong isama si Lorraine since girlfriend ko naman siya. Wala naman sigurong masama kong gusto ko siyang makasama, diba Dad?" - bumaling ang tinggin ko kay Dad.
"Diba, Mom? - sunod ay kay Mom na seryosong nakatinggin sa akin.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila, alam ko naman na kung saan muling magtatapos ang pag-uusap naming tatlo. Once, na magtagal pa ang pag-uusap namin.
Magbabangayan na naman kami dahil lang sa Montefalco Family na iyan. Magkakatampuhan, magagalit sa isa't isa, and in final decision sila pa rin ang masusunod.
Tsk, nakakainis na sila.
Naglakad na ako papunta sa paradahan ng mga kotse namin.
Lulan ng sasakyang napili kong gamitin. Mabilis akong nagmaneho patungo sa mansiyon nila Lorraine.
* * * * * *
@Madrigal's Mansion.
Nang nasa mismong tapat na ako ng mansion,
agad kong inihinto at ipinarada ang kotse ko sa tapat nito.Bumaba ako at lumapit sa bodyguard nila.
"Magandang gabi po, nandyan po ba si Lorraine?"
"Ikaw po pala Sir Renz, pasok ka na lang po. Nasa kwarto niya nga po pala si Lorraine. Kanina ka pa niya hinihintay."
"Talaga po? Sige po, maraming salamat po, Kuya." - though matagal na akong pumupunta dito, hindi ko pa rin kilala ang mga tao dito. Maliban kina Lorraine, Mike, Eliene, Mark, Dennis, at Paulo. Minsan ko lang din naman kasi makita ang mga katulong, kasambahay, trabahante, hardenero at driver nila dito. Kaya wala akong masyadong ideya sa mga name nila. At wala na akong planong alamin pa.
Pumasok na ako sa loob ng mansion, paakyat na sana ako sa kwarto ni Lorraine ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.
"Saan ka pupunta, trespassing ka ah?" - tanong ni Mike.
"Sa kwarto ni Lorraine." - cool na sagot ko.
"Wala si Lorraine dito, kaaalis lang may importanteng lakad na pinuntahan."
"Saan? Ba't hindi ka niya kasama?"
"E- ewan. H-hindi n-naman n-niya na-ikuwento sa akin eh. At nagtaxi lang siya papunta dun." - utal utal na sagot ni Mike sa akin.
"Trying to lie?" - nakangising tanong ko.
"Sorry but you're way in lying, wouldn't work on me." - Sabi ko at binangga siya.
Muli ay pinagpatuloy ko ang napurnada kong pag - akyat sa taas nila.
Tinungo ko ang kwarto ni Lorraine.
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
General FictionA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...