CLS : UWMA9

56 11 0
                                    

LORRAINE'S POV.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko ngayon at nanonood ng palabas sa telebisyon ng mayroong news break ang biglang inadvertised. Dala ng kuryusidad, hindi ko muna ito nagawang ilipat. Ngunit biglang nag - unahan sa pagtulo ang luha ko ng marinig at mapagtanto ko kung sino ang nasa balita. . .

My parents.

And both of them are now dead.

No. Nine days ago. pa silang namatay and I just didn't know?

I thought wala silang kwentang magulang. All along nagalit ako sa kanila for such reason na hindi nila ako nabigyang pansin o oras. But talagang hindi na nila ako mabibigyan ng oras kahit kailan.

They are dead. My parents are dead. At wala man lang akong nagawa. Ako ang walang kwentang anak.

Pero mas walang kwenta ang mga kapatid ko. Hindi man lang nila sinabi sa akin. I hate them all. Lahat na lang sinisekreto nila sa akin.

Life is really unfair. They are all unfair.

Walang ganang pinatay ko ang tv. at lumabas ng kwarto. Tinungo ang katabing kwarto at malakas na kinatok ito paulit - ulit. "Tangina, kuya Mark buksan mo ang pinto!" - malakas na sigaw ko kulang na lang gumamit ako ng mikropono para marinig niya ako. Hindi niya pa rin ako pinagbubuksan. Kaya malakas na sinuntok ko ang pinto ng kwarto niya dahilan para masira ito at mabuksan ko. Walang tao sa loob. Tinungo ko na ang banyo niya ngunit walang Mark akong nakita.

Lumabas ako at tinungo ang ibang kwarto ng mga kapatid ko. At sa apat kong kapatid isa lang ang pinagbuksan ako. Si Ate Eliene.

"I assumed you already knew the news." - wala sa sariling wika nito. Napatango ako at agad na napayakap sa kaniya.

"Ate, bakit sila Mom and Dad pa? Bakit mga magulang pa natin?" - hindi maiwasang tanong ko kay ate Eliene na tinugon niya lang ng paulit - ulit na iling. "Hindi ko alam kambal, Hindi ko alam. Masyadong mabait, masipag, at maalalahanin ang magulang natin para mangyari sa kanila yun. Kaya hindi ko alam, kambal." - iyak na sagot nito hinagod ko ang likod niya. "Where's the three?" - tanong ko. "Hindi ko din alam maybe nasa libing sila ng parents natin. But I don't know the exact place kung saan. Hindi naman kasi sinabi nina Kuya sa akin." - sagot niya na patuloy pa rin sa pagluha.

"Then trace them. And try to locate their place. Parents din natin ang nandun. Kailangan nandun tayo, kahit pa libing na lamang yun." - malungkot na pahayag ko pa sa kaniya.

"Alam ko na. Let's go, kambal." - at nagmadali na nga kaming pumunta sa nasabing sementeryo.

Nakita namin sila kuya Mark, kuya Daniel at kuya Paulo at ang iba pang kamag anak namin. Sila Lolo at Lola na siyang magulang ng Mommy at Daddy namin ay nandito din. "So, they try to hide this event to us huh?" - hindi makapaniwalang bulong ko, sapat para marinig ng kambal kong si Ate Eliene.
Lumapit kami ni Ate sa kanila. Medyo nagulat pa sila pero hinayaan na lang din nila kami. Iyak lang ng iyak lang ako. Habang sinusumbatan ang kabaong kung saan sila nakasilid. "Mom,Dad ang daya - daya ninyo naman po. Hindi pa nga po tayo nakakapag-bonding as family. Dahil busy kayo sa work at paglalago ninyo ng pera at ng kompanya natin. Iniwan ninyo kaagad kami. Why naman ganyan kayo? Mom, Dad baka pwedeng isama ninyo na lang ako. Alam ninyo ba na gulong - gulo na ako? Sobrang sakit at lungkot na ang nararamdaman ko, si Dennis pa lang ang nawala at iniwan ako. Paano pa kaya ngayon dalawa na kayo? Mom, Dad hindi ko na po kaya. Sana yung pumatay na lang sa inyo ang namatay. Don't worry Mom and Dad. I will make sure that pagbabayaran ng hayop na yun itong ginawa nila sa inyo. Mom Dad I will miss you po. Wala na po akong sama ng loob sa inyo kaya kung nasaan man kayo ngayon I hope masaya, at hindi na kayo nahihirapan. Aalagaan ko po mga kapatid ko, magpapakabait na po ako. Pero sana napatawad ninyo na rin po ako sa minsang pagkamuhi at pagkainis na naramdaman ko sa inyo. Sobrang miss ko lang po kayong dalawa. At ngayon na tuluyan na nga po kayong nawala patuloy ko pa rin kayong mamimiss. I love you Mom and Dad." - walang tigil sa pag - iyak na sambit ko. At sumunod na nag speech ang kambal ko. Mas lalo akong naiyak ng tinatabunan na sila ng semento at nilagyan na ng mismong lapida nila. Unti - unti na ring umaalis ang ilan sa kamag - anak namin. Ilang sandali pa, umalis na rin sina Kuya Paulo at Kuya Mark. Kami nila kuya Daniel at ate Eliene na lang ang natira.

"Why?" - hindi maiwasang tanong ko kay Kuya Mark. "The truth is, we're ready na sanang sabihin sa inyo ang totoo. Pero inaalala namin ang mararamdaman mo Lorraine. Nakakaramdam ka ng heart break ngayon dahil sa ex boyfriend mong si Dennis. Hindi naman kami papayag na mas lalo ka pang masaktan kapag nalaman mo pa itong tungkol sa parents natin. Ayaw lang namin na ma-depressed at mauuwi sa pagpapakamatay din ang gagawin mong solusyon sa lahat ng problema mo. Mahal ka namin, Lorraine." - mahabang paliwanag ni Kuya Daniel na tinanguan ko lang. "How about naman sa akin. Bakit mo nilihim?" - hindi maiwasang magtampo na tanong ni Ate Eliene. "Simple lang, papangunahan mo ang desisyon naming tatlo. Kahit ayaw naming sabihin kay Lorraine ay sasabihin mo pa rin. Madaldal ka eh." - seryosong sagot ni Kuya Daniel na nagpatawa sa akin. "Ewan ko sayo, Kuya Daniel. Di pa rin tayo bati." - nakangusong sabi pa nito. "Huwag ka ngang mag - pout natetempt akong halikan ang lips mo baby Eliene." - pang - aasar na sabi pa nito. "Yucks kuya kadiri ka." - kunwaring nandidiri na Sabi ko at lumayo sa dun.

"Paalam Mom, and Dad. You two will always be in my heart. I love you po" - bulong sambit kong muli sa gitna ng paglalakad. Naramdaman kong humabol ang dalawa kong kapatid sa akin.

"Maling mali na isinekreto namin sa inyo ang naganap. Buong akala kasi namin na makakasama ito sa inyo. At mas lalo kayong mapamghihinaan ng loob. But I never thought mas malakas pa kayong dalawa sa amin. Lalo ka na Lorraine." - may pagka manghang sabi ni kuya Mark sakin. Malungkot lamang akong ngumiti.

"I hate drama Kuya. Mahal ko sila, at alam ninyo naman na ayokong iwan nila tayo. Pero walang mangyayari kong iiyak tayo ng iiyak, isipin na lang natin na sila na ang guardian angels natin ngayon. Malungkot man tayo dahil namimiss na natin sila tumingin lang tayo sa pinakamakinang na bituin at isiping sila yun at binabantayan tayo diba ang sarap na sa pakiraramdam. Alam ko masakit pero sabay - sabay nating lalagpasan ang hamon ng buhay na ito sa atin. Walang susuko tuloy ang laban!" - kunwari malakas ako at hindi iyakin. Hahahahaha but deep inside gustong gusto ko ng umiyak. Pero hindi pwede. Kung maaari kailangan kong maging matatag, matapang at malakas para sa mga kapatid ko. Alam ko lalaki sila at mga nakakatanda kong kapatid. At sabihin man o isipin nating malakas sila. Nagpapanggap lamang tayo, ramdam ko sobrang apektado sila sa pagkamatay ng parents namin ganun din ako. Pero katulad ng palaging bilin ni Dad maging malakas lang daw ako at magiging masaya na sila. At yun ang ginagawa ko ngayon kahit kanina pa gustong sumabog sa lungkot at galit ang puso ko. Akala ko lahat ay naibuhos ko na nung gabing binigyan niya ako ng oras na magwala pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin pala ako at mas lalo ngang nadagdagan matapos matuklasan ang nangyari sa magulang namin.

Hindi ko lang kasi matanggap at lubos maisip bakit kami pa? Bakit kailangan pang may mawala, masaktan at magsakripisyo? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa. . .

Beep...

Beep...

Beep...

At unti - unti na ngang nandilim ang paningin ko. Walang hiyang kalbaryo. Hindi pa nga tapos yung sa parents at kay Dennis. May panibago na naman. Bago pa man tuluyang mawalan ng Malay narinig ko ang malakas na sigaw nilang lahat.... Sabay -sabay talaga? MALAKING SANAOL!

'LORRAINE/RHAINE/KHATE/BABE/BESH/BESHY/KAMBAL/PRINCESS' - sabay sabay na sigaw nila.

[ END OF LORRAINE'S POV ]

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now