RENZ POV.
As what Lorraine said to you guy's, vacant namin ngayon at nag-usap usap lang kami tungkol sa magiging presentation namin for tomorrow sa ibinigay na assignment ng Prof namin sa amin.
Magkaiba nga lang kami ng grupo. Group 1 ako, habang si Lorraine naman ay Group 3. Pareho kaming leader, at ayon sa mga narinig ko sa pag-uusap nila ay bibigyan niya lang ng kaniya-kaniyang topic ang mga kasamahan niya.
"We will be having an impromptu presentation for our group assignment tomorrow. I will give you a work or topic to study and each one of you will present it tomorrow. And that's all. I'll send the topics later when I arrived at my condo. I just need to divide it by seven. Kawawa naman kasi si MISS HIGAD kung hindi natin isasali, baka mas lalong magalit parents niya sa kaniya." - bigla naman akong napatinggin sa gawi ni Lorraine at tinignan siya ng masama.
Maya-maya ay sumingit na rin ako sa pag-uusap nila. Hindi ko matiis na hindi malaman ang mga nalalaman niya tungkol sa babeng fiance ko na ngayon. "And how did you know?" - nagtatakang tanong ko na agad mong mahahalata dahil sa nakakunot kong noo.
Sa halip na sagutin ang tanong ko, nginisihan niya lang ako at muling nagpatuloy sa pagbibigay instructions sa mga kagrupo niya. At dahil mukhang wala naman siyang planong sagutin ako ay pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagbi-brainstorming namin ng mga kagrupo ko.
Ilang oras din ang itinagal namin, bago namin nagpadesisyunang kumain na muna. Gutom at pagod na rin pala kami. Dumiretso kami sa cafeteria ng mga kasamahan ko. We decided na sabay-sabay na kaming magla-lunch. Pero yong iba nauna ng pumunta sa locker room para magpalit ng PE uniform. Yung iba naman ay dumiretso sa library, para siguro mangalap ng impomasyon about sa assignment namin.
Habang naghahanap ng bakanteng pwesto na maaari naming makainan ay nag-order na sila Patrick, Harry, Zayne ng pagkain.
"Lead?" - tawag ni Ariel sa akin.
"Oh?" - sagot ko sabay lingon sa kaniya. Nasa likod ko kasi siya. At kagaya ko naghahanap din siya ng vacant spot para sa aming magkakaibigan. First time naming kakain sa cafeteria, ngunit kulang pa kami.
Haysst. Okay balik sa topic, nagiging sadboy na ako eh. Di bagay!
Muli namang nagwika ang kasama ko. "Pupunta ka ba sa napag-usapan ninyo ni Lorraine?"
"Di ko alam, Ariel. Baka hindi na lang, useless na rin naman hindi na kami at engaged na ako kay Bianca na minamahal ko." - seryosong sagot ko.
Napailing naman siya. Tila hindi kumbinsido at hindi naniniwala sa naging sagot ko.
"Paanong mahal mo na kaagad ang taong kailan mo lang nakilala?" - may bahid ng pagtatakang tanong ulit nito.
"Hindi naman malabong mangyari yun, bro. Sapagkat ikaw nga na love at first sight agad sa soon to be wife mo na rin diba? Pareho lang tayo." - ngumisi naman ako sa pagyuko niya at tila nanahimik na lamang at hindi na nagsalita pa.
Ganyan nga, manahimik ka. Dahil wala kang alam sa nararamdaman ko. Nasaktan ako, at hindi ako papayag na muli yung mangyayari ngayong inaangkin at binabawi na ako ng dati kong kasintahan na niloko na lamang ako.
"Ano't tila ang tahimik ninyong dalawa?" - nagtatakang tanong agad ni Patrick na may dala-dalang tray na may lamang pagkain.
"Oo nga, magkuwento naman kayo." - hirit naman ni Zayne na batid kong may alam na sa nagpag-usapan namin ni Ariel.
"Tamad ako/Ayoko magkuwento!"- sabay na wika namin ni Ariel.
Napatitig naman ako sa kaniya. At napatawa na lamang kaming dalawa.
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
General FictionA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...