CLS : UWMA33

9 5 0
                                    

LORRAINE'S POV.

Araw ng Martes.

Tinignan ko ang alarm clock na nakalagay sa side table malapit sa kama ko. Alas sais pa lang pala ng umaga. Medyo gising na rin naman ang diwa ko, kaya bumangon na ako. Niligpit ang pinaghigaan ko, pagkatapos ay kinuha ang nakasabit na towel sa hanger at dumiretso agad sa banyo upang maghilamos.

Nang matapos ay nagbihis ako ng damit pang exercise at agad na nilisan ang condo ko. Dinala ko ang cellphone at headset ko. Mag jogging, walking at exercise na muna ako. Tagal ko na itong hindi ginagawa. Medyo tumataba na ako.

Kinonek ko yong headset ko sa cellphone ko, pagkatapos ay pinalasak sa tenga ko at full volume na nagpatugtog. At nag warm-up lang sandali, at nagsimula na nga akong magjogging. Nasa East Subdivision ako ngayon, kung saan wala pang masyadong bahay at tanging napapaligiran lamang ang lugar na ito ng mga punong-kahoy at gubat. Ngunit malinis at magandang tambayan. Sapagkat, napakatahimik at napakalawak. Yun nga lang delikado dito 'pag gabi usap-usapan ng mga tsismosa naming kabit-bahay. At labas ako dun dahil hindi naman ako nakipagtsismis, sadyang malalakas lang talaga ang boses nila kaya narinig ko pinag-uusapan a.k.a pinagtsismisan nila.

So, yun nga habang nagja-jogging hindi maiwasang magflashback sa isip ko ang napag-usapan namin ni Mr. Kian. Private investigator slash spy ko sa kapatid kong si Thea.

Simula nung nagkasagutan kami ni Bianca tungkol sa kapatid ko, nagdududa man ako kay Bianca dahil sa ate ko ang pinagbibintangan niya ay nabahala ako at nag-alala. Ilang gabi rin akong walang maayos na tulog. Kaya para mapayapa ang isipan, tinawagan ko si Mr. Kian, para bantayan at ipa-check sa kaniya ang CCTV na nakalagay ng palihim sa lahat ng lugar na pupuntahan ng ate ko maliban sa banyo. Masyado ng pribado yon at lalaki pa rin ang inutusan ko, baka pag interesan niya ate ko.

Ngunit gayun na lamang ang pagkadismaya at pagkalungkot ko ng malamang totoo nga ang sinabi ni Bianca sa akin. Hindi siya ang ahas kundi ang ate Thea ko. Nanahimik ako sa part na yan dahil hinihintay ko siyang magpaliwanag o hindi kaya ay umamin sa akin. Pero para yatang wala siyang balak.

Kaya kahapon nung nasa hallway ako at naglakad alam kong nakasunod siya at may masama siyang plano sa akin. Kaya naman wala akong nagawa kundi pagsalitaan siya ng masama at pagbantaan. Alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin dahil nagulat siya ng marinig ang mga salitang bibitawan ko. She tried to call my name and chase me but I did not bother to look back at her. Instead, agad akong nagmadaling lumakad patungong parking lot at pumunta sa sementeryo.

At dahil sa pag-iisip ko ng malalim ay hindi ko namalayang pala ako at muntik pa akong mahagip ng kotse. Buti na Lang l at may nagligtas sa akin.

"Salamat." - nakayukong sambit ko.

"Ayos ka lang?" - tanong ng pamilyar na boses.
Agad naman akong napatingala at hindi nga ako nagkamali si Renz.

"Yeah, I'm fine. Don't worry." - at bumitaw na ako sa kanya at lumayo. "By the way, dinner tayo sa condo ko mamaya." - imbita ko sa kaniya. Kasi nga may mahalaga kaming pag-uusapan.

"Sorry. Di ako makakapunta may lakad kami ng fiance ko mamaya." - sambit nito.

"Fiance?" - nagtatakang tanong ko.

"Oo. Si Bianca, nakalimutan mo na ba?" - walang emosyong sagot nito.

Iniiwas ko ang tinggin sa kaniya. At tumingin na lamang sa iba at pinilit na huwag maiyak sa narinig. "7pm, hihintayin kita." - sa halip ay sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang muli niyang pagtugon. Umuwi na ako, nagpahinga sandali at nagluto ng breakfast ko.

Maya-maya ay kumain na ako, nagkape, sinangag, itlog, hotdog at ham lang kinain ko. Tapos ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko at nagsipilyo. Muli ay nagpuntang banyo upang gawin ang nararapat. Paglabas ko ng banyo ay naka bathroom lang ako at nakabalot sa towel ang basa kong buhok.

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now