CLS : UWMA19

28 9 0
                                    

RENZ POV.

FLASHBACK...

"Khate?" - pukaw ko sa atensyon niya.

"Bakit?" - tanong niya naman.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, gusto sana kita yayain magdinner?" - diretsong sagot ko.

"Kailan ba?" - tanong niya ulit.

"Bukas ng gabi sana. Mga seven o'clock. Okay lang ba?" - medyo naiilang at nahihiyang tanong ko. I hope she will say yes.

"Okay." - tipid na sagot niya. "Talaga?" - bakas sa reaksyon ko ang gulat. Agad naman siyang napangisi. "Ayaw mo yata eh. Huwag na nga lang." - bawi niya. "No, hindi sa ayaw ko. Hindi lang ako makapaniwala. Sige bukas, dinner tayo. Wala ng bawian ah." - agad na sabi ko. "Ok, hatid mo na nga ako. Bukas na lang ulit tayo magkita." - at sabay kaming sumakay sa kotse.

"Renz, why me?" - tanong ni Lorraine sa gitna ng biyahe.

Hindi na ako nagulat. Inaasahan ko na ang senaryong ito. Pero bakit naman napakaaga ng tanong niyang yun? Anyway, inihinto ko muna sa gilid ang kotse.

I grabbed her hands and pinagapang ito sa pisngi ko at hinalikan ang palad niya kasabay ang pagtitig sa kaniya mata sa mata.

"Simple lang, dahil ikaw ang mahal ko simula noon hanggang ngayon at hindi yun nagbago, at hinding hindi magbabago kailanman."

Isang malungkot na ngiti lang ang tugon niya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Mahal na mahal kita, Lorriane Khate Madrigal. Alam ko namang mahal mo din ako. But I still need confirmation. I need you to answer me yes. Pero kung talagang hindi ka pa handa, willing akong maghintay. Just please don't say no. Okay?"

"Mahal din naman kita, Renz De Castro. Mahal na mahal kita Renren ko. At Oo, sinasagot na kita."

"Waaaaahhh, talaga tayo na? As in magnobyo at magnobya na tayo?" - hindi makapaniwalang tanong ko. Mabilis naman siyang tumango.

"Ano ulit yung sabi mo? Pakiulit nga, hindi ko naman narinig eh."

"Walang ulitan sa bingi. Beh beh bleh bleh. Bingi si Renren. Bingi si Renren. Bingi. Bingi." - tuwang tuwa na tukso niya pa sakin.

"Ah, ganon. Ito bagay sayo super kiliti power." - at kiniliti ko siya ng kiniliti. Nang makuntento ay dun ko lang tinigilan ang pagkiliti ko sa tagiliran niya.

"Hindi mo lang ako pinasaya, kinumpleto mo rin ang pagkatao ko. Salamat Khate."

"Salamat din sa pagmamahal mo para sa akin Renren ko."

"Magmaneho ka na ulit bago pa mapuno ng langgam itong kotse mo sa sobra mong sweet."

"Sweet ka din naman ah"

"Basta magmaneho ka na lang."

"Masusunod boss, este Khate ko"

At nagmaneho na nga akong muli, habang nakahawak ang isang kamay ko sa kkamay ni Lorraine. Sa ilang oras na pagmamaneho ay nakarating din kami sa mansion nila. Nauna na akong lumabas at lumibot ako para pagbuksan si Lorraine ng pinto at inilalayan ko siyang bumaba.

"Salamat sa paghatid, Renz."

"Walang anuman, Khate. Sige na pumasok ka na sa loob."

"Not unless I do this to you first." - kiniss niya ako sa pisngi sabay bulong "Good night, Renren ko. Sweet dreams." - at kiniss niya ako sa lips ko.

And after that scenario, mabilis siyang lumayo sa akin.

"Makakaalis ka na." - tatalikod na sana siya para pumasok sa mansion nila nang bigla ay hinatak ko ang braso niya at hinarap siyang muli sa akin.

"Good night din sayo, Khate ko. Don't forget to dream of me." - at kiniss ko siya sa kaliwang pisngi niya. "I love you." - pahabol na bulong ko bago tuluyang sumakay sa kotse ko. Narinig ko pa ang huling bilin niya sa akin.

"Mag - iingat ka, Renz."

Kaya lang in-start ko na ang engine ng kotse at mabilis itong pinaharurot papunta sa restaurant na pinareserved ko para sa aming dalawa.

Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang sagutin ang huling bilin niya. Though, hindi niya na maririnig ang response ko.

"I will." - mahinang bulong ko sa gitna ng pagmamaneho.

Fifteen minutes later...

******* Restaurant.

Nandito na ako sa lugar kung saan kami magdinner date ni Lorriane bukas ng gabi. Agad kong sinimulan ang pag - organisa at pag - aayos sa lahat.

Mula sa magiging ayos ng mesa at upuan.
From her favorite theme, color, background, singer, flower and gifts na gustong - gusto niyang matanggap.

I know how excited am I to do this kind of effort for her.

But I am just falling for her. . .

Every second.

Every minute.

Every hour.

And everyday.

Kaya wala akong hindi kayang gawin para sa kaniya.

I may be sounds corny. . . Pero mahal ko talaga siya eh.

Simula nung bata pa lang kami, hanggang sa nagkawalay kami sa isa't isa. Siya pa rin, wala ng iba pang makakahigit sa kaniya.

So I'm willing to do everything just to have her and to win her heart once again.

Nang tapos ko na maasikaso ang lahat ng kailangan para bukas ay saka lang ako nagdesisyong umuwi.

Pagdating sa bahay si Mommy kaagad ang una kong nadatnan.

"(Bakit kaya gising pa toh?)" - hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko.

"Oh, son. . . nandito ka na pala eh." - masayang bungad niya sabay lapit sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik at mabilis din kumalas.

Dala ng pagiging curious ay nagtanong na nga ako."Yes, Mom. Nandito na nga po ako, bakit may kailangan ka po ba? At bakit po gising pa rin kayo alas nuebe na ng gabi ah. Diba bawal sa inyo ang nagpupuyat?" - nag aalalang tanong ko.

"Sa totoo lang anak, gusto sana kita, namin makausap?"

"Tungkol saan po ba, Mom?"

"About our company." - sagot ni Dad.

"And what about our company? Was this all about how will I going to manage our company na naman ba?" - bumaling ang tinggin ko sa kaniya. "If yes, can we talk tomorrow morning na lang po, Dad? I'm so tired and sleepy na po kasi eh. Sorry po and good night po." - paalam ko sa kanila.

"Sure, son." - Sabi ni Dad. Hindi ko na hinintay pang magsalita si Mom. Umakyat na ako sa kwarto ko, hinubad ang sapatos ko at nilagay ito sa ilalim ng kama.

Nagshower muna ako. Ginulo - gulo ang buhok ko.

"Ano na naman kaya ang pag - uusapan namin? Akala ko ba maayos na ang lahat? Bakit kailangang mag - usap na naman?"

Hindi kaya...

No, hindi maaari! Hindi ako papayag!

Paano na toh? Anong gagawin ko?

AYOKO! NATATAKOT AKO!

END OF FLASHBACK.

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now