LORRAINE'S POV.
At dahil okay na ulit ako, maaga akong gumising at agad na naghanda para maaga rin akong makapasok sa paaralan. Lalo na at maraming magaganap ngayong araw na toh.
This will be the start of the contract they've signed and also the start to do the said punishments. Simple lang naman ang punishments na ibinigay ko.
Una, magiging slaves ko/namin sila ng mga kaibigan ko.
Pangalawa, sila ang nakaassign na maglinis ng classroom namin (for one month).
Pangatlo, bawal magreklamo, bawal magsisihan, bawal makipag-away. Sumunod sa iuutos ko kung ayaw masuspende at nang hindi na madagdagan ang kondisyon o ang parusa.
Pang-apat, public apology.
Panglima, secret na muna! Malalaman ninyo kung tapos na nilang magawa ang apat na kondisyon/parusang ibinigay ko.
Sa ngayon, hayaan ninyo muna akong gawin ang morning routine ko.
Take a bath✓
Wear my school uniform✓
Comb my hair✓
Put some light make up✓
Wear my socks and shoes✓
Ready my school bag together with my most common used books✓
Then, go downstairs to eat my prepared breakfast.
Wheat bread with strawberry jam and hot chocolate lang kinain ko. Pagkatapos, ay nagsipilyo na ako at agad din lumabas ng condo ko at nag-abang muli ng taxi.
Minutes later...
Sa school.
Agad akong nagtungo sa classroom namin at umupo sa upuan ko. Dahil ako pa lang naman mag-isa, muli akong lumabas ng classroom at nagpunta na lamang sa library. Magrireview muna ako at mag self-study habang hindi pa nagsisimula ang klase namin.
Nang nasa silid-aklatan na ako ay naghanap ako ng aklat na related sa asignaturang ituturo ng guro namin mamaya. At dahil English ang una naming subject sa umaga na ituturo ng propesor namin. Ito na lamang ang kinuha ko at naghanap ako ng magandang pwesto, doon naupo at pansamantalang nag-aral mag-isa.
Nagbasa-basa lang ako ng kung ano-ano habang isinasaisip ang araling aking pilit isinusuksok sa malawak kong utak o isip. Upang ako'y maging handa sa quiz or recitation na maaaring ibigay ng guro namin mamaya.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng bigla ay tumunog ang bell, kaya ibinalik ko na ang aklat na hiniram ko sa pinagkuhanan ko nito. Agad na nagtungo sa classroom at muli ay umupo ng tahimik.
Pumasok naman ang tatlong clown.
"Good morning, Beah, Margarette, and Seline. Ready?" - nakangiti at biglaang ngisi na bungad ko sa pagpasok nila. Agad namang napasimangot ang dalawa habang ang isa ay patuloy sa pagtataray sa akin. Hanggang sa siya ay makalapit na nga po sila sa pwesto ko. "Ready your face." - bulong ni Beah - the clown one na sinasabi ko sa inyo. Naging madali sa kaniya ang bumulong sa akin sapagkat magkatabi kami ng upuan.
Thea - Seline
| |
Beah - Me - Renz - Christine - Sam
| | |
Dave - JP - AlexGanyan setting arrangement namin.
"Want to suspend, Beah?" - walang emosyong tanong ko. Napayuko naman siya. "So, I guess you don't want to suspend. But since, this is what you want... Let me just give you, your first task." - muli ay nakangisi ko na namang sabi, agad naman siyang nakaramdam ng kaba at gulat. Ngunit binalewala ko iyon. At muling nagwika. "Nakikita mo ba ang field na yon? Ang gusto kong gawin mo pumunta ka dun at sumayaw ka ng sexy dance habang nakaswim suit ka lang at maaari ka lamang tumigil kapag tapos na ang lahat ng klase natin sa morning and afternoon session of our said schedule. Maliwanag ba, Beah?." - puno ng awtoridad na sabi ko at itinuro sa kaniya ang field na nasisinagan ng mainit na araw.
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
General FictionA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...