DENNIS POV.
Matapos kong maihatid si Sam sa bahay nila. Agad akong pumunta sa lugar kung saan magdidate sana kami ni Lorraine babe ko. But sad to say, eight o'clock sharp ang usapan at ang akala kong maghihintay siya o may maaabutan man Lang sana akong Lorraine sa mismong tagpuan namin ay wala na. Maaaring nagpunta siya at naghintay ng mga ilang oras pero Hindi ko na siya naabutan pa.
Hindi na ako nag aksaya pang hanapin ang presensya niya sa nasabing lugar. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at pinaharurot ito patungo sa mansion nila Lorraine. Pagdating ko dun nadatnan kung nagtatapon ng basura yung maid nila.
Tinawag ko ito at agad na nagtanong. "Nandiyan po ba si Lorraine?" - seryosong tanong ko sa maid nila. "Wala." - agad namang sagot nito sabay iling. "Ganun po ba? Sige po. Salamat na lang po. Mauna po muna ako." - magalang na wika ko, sabay paalam. Naglakad na ako patungo sa kung saan nakaparada ang kotse ko at muling pinaandar ito pauwi sa mansion namin.Pagdating ko sa mansion, agad akong pumasok sa kwarto ko at pagod na nahiga sa kama ko. Gulong gulo na ako, hindi ko na alam ano ba ang dapat kung gawin. Masyado na akong hulog na hulog sa presensya ni Sam na to the point na siya na pala ang mahal ko. Nabulag lang ako sa pagmamahal ko kay Lorraine na ang buong akala ko siya pa rin pero ang totoo hindi na pala siya ang mahal ko kundi si Sam na. Hindi ko rin mawari paanong nawala ang pagmamahal ko sa kaniya ganung ang tagal tagal na naming mag gf at mag bf pero wala nagbago pa rin yung nararamdaman ko.
Pero posible bang hindi sana magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya kong walang Sam na dumating sa buhay namin?
At posible nga bang mas napagtuonan ko ng pansin si Sam at mas maaga kong nalaman na siya pala ang tinitibok ng puso ko sa simula pa lang, yun ay kung walang Lorraine sa buhay namin.
Ewan. Di ko na alam.
Pero isa lang ang sigurado ako ngayon.
Mahal ko si Sam. Gusto ko siyang kasama at nakikita araw - araw. At gusto ko, ako ang dahilan ng mga ngiti, tawa at tagumpay niya sa buhay. I so damn loved her to the point that I want to talk to Lorraine and confess to her what I really felt between her and Sam.
And even though I don't want to hurt her. We can't still deny the fact that there will always be one who'll going to hurt and be hurt. And if I will take this long, same feeling, same pain will still gain. So, as soon as possible I want to talk to her tomorrow about me and Sam para hindi na siya umasa at mas lalo pang masaktan. Mahal ko siya, yun nga lang hindi na bilang girlfriend ko kundi bilang isang matalik na kaibigan na lang. The truth is hindi naman siya nagkulang. Halos ibigay at sundin niya nga ako eh. Wala siyang ibang ginawa kundi pasayahin at mahalin ako. Pero ganun talaga siguro dumating lang ako sa buhay niya para magbigay aral, inspirasyon, sakit, at pagmamahal. Yun nga lang hindi sapat ang pagmamahal na naibigay at naiparamdam ko sa kaniya kasi nagawa ko pang maghanap at magmahal ng iba. Though, napakaswerte ko na kay Lorraine.
Kinabukasan. . .
Kringg. . .
Kringg...
Kringg...
Tunog ng walang hiyang alarm clock ko. Agad kong kinapa ito, at nang mahawakan ay padabog na pinatay. Inis at asar akong bumalik sa pagkakatulog ko. Pero hindi pa man ako gaanong nakakaidlip nagring muli ang alarm clock ko. Kaya galit kong kinuha ito at malakas na inihagis sa kung saan.
Since nawala na din ang antok ko, mabilis akong bumangon. Inaayos ang pinaghigaan ko at nagtungo sa banyo para maligo at magsipilyo na rin ako.Inayos ko lang sandali yung basa at gulo kong buhok at lumabas na nga ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para sana mag - almusal kaya lang masyado na akong late kaya kumuha lang ako ng isang pirasong pandesal na may palamang strawberry jam. At humalik sa pisngi ni Mommy at nagpaalam na kay Daddy na aalis na ako at may pasok pa ako. Medyo late na ako. Susunduin ko pa sina Sam at Lorraine. Sabay - sabay kasi kaming pumapasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/274397553-288-k946465.jpg)
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
General FictionA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...