LORRAINE'S POV.
Hindi pa ako ganap na nakakatulog o nakakaidlip ng napagdesisyunan kong pumasok na lang sa school. Kaya mabilis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at nagtungong banyo.
Ginawa ang mga nararapat gawin. Since, masyado na akong late para sa unang klase ko para sa umagang ito. Hindi na ako naglagay ng kolorete sa maganda kong mukha.
Sinuot ko lang yong hikaw, kwintas, polseras, medyas at sapatos ko. Naglagay ng pabango, sinukbit sa kanan kong balikat ang bag ko at lumarga na ng condo.
Nagmotor na lang ako papunta ng school. Para kung maaabutan man ako ng traffic ay mabilis akong makakasingit at makakapunta sa pupuntahan ko.
Mabilis kong pinaharurot ang motor ko, at ilang sandali lang ay nasa eskwelahan na nga ako.
Iilan na lang rin na mga estudyanteng ang nagkalat sa hallway, since it's quarter to 10 na at nagsisimula ng magklase ang lahat.
Binilisan ko na lang ang paglalakad ko, maya-maya lang nasa tapat na nga ako ng classroom namin. Hindi na ako nag-abala pang kumatok, o mag-good morning sa kung sino.
Sa halip, agad kong tinungo ang dati kong upuan. Nag-angat ng ulo niya si higad at gulat na napatingin sa akin. Napangisi naman ako, ganun din siya sa akin.
Gusto kong punitin ang makapal niyang mukha niya at pagpipirasuhin ang katawan niya ng sa ganun, mawala na ng tuluyan ang presenya niya sa mundong toh.
"Anong ginagawa mo dito?" - nakangisi pa ring tanong niya sa akin.
Napangisi din naman ako bago muling nagsalita at tinugon ng salita ang tanong niya na nagpatameme sa kaharap Kong higad na toh. "Nandito ako, kasi upuan ko yang inuupuan mo at babawiin ko lang ang dapat na sa akin. Bitch!" - walang emosyon na sagot ko sa kaniya.
Matagal bago siya muling nakabawi at nakapagsalita. Sige bobohan mo pa, iyan kasi ang landi-landi hindi man lang muna kinilala sino ang kinakalaban niya. "Sayo, ang upuan na ito? Bakit may pangalan mo ba? At teka anong sayo ang babawiin mo? Matagal na kayong wala, hanggang ngayon umaasa ka pa ring babalik siya sayo? Napakatanga at martir mo namang gaga ka. Bobo mo!" - tumayo ito at aambahan na sana ako ng suntok ng hinawakan ni Renz ang kamay niya.
Napatinggin akong muli sa walang hiyang higad na toh. "Ano kamo, walang pangalan ko? " - seryosong tanong ko. Sandali kong iniiwas Ang tingin sa kaniya at may kung anong kinuha sa bag ko. "Here." - sabay ipinakita ang marker sa kaniya/kanila. Agad kong sinulatan ng napakaganda kong PANGALAN ang armchair na sinasabi niyang walang nakasulat na pangalan ko daw. Tanga pala siya eh, wala din kayang pangalan niya kung magmalaki siya at sagot-sagutin ako para namang may pangalan niya rin ang upuan na tinutukoy ko. "Yan, may pangalan ko na. Ngayon pwede ka ng umalis." - nginitian ko siya ng sobrang tamis sabay muling ibinalik sa pagiging expressionless ang mukha ko. Bigla naman siyang umalis.
'Hmmm...naduwag ba siya? Nagsisimula pa nga lang yung sagutan namin. Hindi man lang ba siya lalaban o magagalit? Pabiktima ampucha!'
Pero bago pa man siya tuluyang makalayo at makalabas ng classroom namin ay may pahabol akong sinabi at ginawa.
"At anong sabi mo, hindi ko na siya pagmamay-ari? Pwes, tignan mo ang gagawin ko." - lumapit ako kay Renz. Itinayo siya, kinuha ang dalawang kamay, pinalibot sa bewang ko. Sabay pinulupot ko ang braso ko sa leeg nito at hinalikan siya sa labi.
Nagulat at napasinghap naman ang iba sa ginawa ko.
Habang ang guro namin ay tila estatwang nakatayo lang sa harap at nanonood sa eksenang sinimulan ko.Walang nangangahas na pigilan ako sa nais kong gawin.
Dahil kapalit ng pangingialam nila ay ang pagkawala ng trabaho nila dito. At kung studyante man ay masususpende sa paaralang ito.
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
Fiksi UmumA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...