CLS : UWMA22

18 9 0
                                    

ELIENE POV.

"So, ngayong nandito na tayo sa tahimik na lugar na toh, ano bang mahalagang bagay ang gusto mong pag - usapan natin at nagawa mo pang pumunta dito at isturbuhin ako sa oras ng klase?" - medyo iritadong tanong ko. Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat ay ang iniistorbo ako sa oras ng klase tapos pinag cutting class pa ako, sa dahilang hindi ko naman alam kung bakit.

"Alam ko how frustrated you are now, because of what I've done a while ago. Pero gusto ko lang naman hingin ang permisyon mo, kung pwede ko bang isama si Lorraine sa importanteng lakad ko mamaya?" - confident at relax na tanong ni Renz sa akin.

"Nope." - diretsang sagot ko.

"Huh? Bakit naman, nope?"

"Wala akong tiwala sayo, like duh tagal mong nawala tapos bigla na lang kung saan - saan mo dadalhin ang kapatid ko. Hindi pwede."

"Pero-"

"Wala ng pero pero. Hindi sasama si Lorriane sayo. Kaya kong tapos kana, babalik na ako sa klase ko. Ikaw pa magiging dahilan ng pagkabagsak ko, diyan ka na nga!" - galit at maawtoridad na huling sabi ko bago siya tuluyang iniwan.

Narinig ko pa ang pagtawag niya, pero hindi ko na siya pinansin. Aksaya lang ng oras.

Kung napapayag niya yung tatlong nakakatanda naming kapatid.

Pwes, ako hindi.

Alam ko naman kasi talaga kung saan sila pupunta, magdinner date lang ang dalawa na yun.

And the thought that they we're together, was killing me.

Yup, may gusto ako kay Renz.

Matagal ko na siyang gusto, mahal ko na nga siya eh.

Maiilang ba naman kasi ako, kung wala akong tinatagong pagtingin dun?

Gwapo, mabait, makisig at mapagmahal na anak si Renz. Kaya sinong babae ang hindi magkakagusto sa nag iisang Heartrob ng campus?

Tsk, kahit nga bakla at tomboy, nagkakagusto sa damuhong yun. Ako pa ba?

Pero napakamali kasi magkasintahan na silang dalawa ni Lorraine.

Ewan, gusto ko maging masaya para sa kanilang dalawa.

Kaya lang hindi ko maiwasang magselos sa tuwing nakikita ko silang magkahawak kamay at masayang magkasama.

I have this feeling na gusto ko siraan si Lorraine kay Renz. O hindi naman ay siraan si Renz kay Lorraine para maghiwalay silang dalawa. At mapasaakin si Renz.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa ***** Department. May naramdaman akong mga yapak na nakasunod sa akin.

Unti - unti kong binilisan ang paglalakad ko, pero masyadong mabilis ang pangyayari.

Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na paghawak ng hindi ko kilalang tao sa braso ko. "Please, Eliene? Mahal ko ang kapatid mo. Plano namin magdate mamaya kaya pumayag ka na." - dun ko lang napagtanto na si Renz pala ang tao na sunod ng sunod sa akin. At hinawakan ako.

"A.Y.O.K.O. And that is final!"

"Teka nga, bakit ba ayaw mong makasama ko ang kapatid mo? May problema ba? Hindi ka naman ganyan dati, diba?" - mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong napatungo.

"May gusto ka ba sa akin?" - mahinahon niyang tanong pero bakas sa kaniyang mga mata ang galit.

Huminga ako ng malalim atsaka muling nagwika. "Ano naman ngayon kung may gusto nga ako sayo?"

"Damn you, Eliene. Tigilan mo ako kasi kahit pa kambal kayo. Hinding - hindi ako mahuhulog sayo at hindi kita magugustuhan. Kaya please, kung ayaw mong malaman ng kapatid mo toh. Tigilan mo na ako! Hindi kita G-U-S-T-O!"

At tuluyan ng tumulo ang luha sa mata ko. Kasabay ng padabog na pagbitaw ng kamay niya sa braso ko. Agad din siyang naglakad ngunit bago pa man siya tuluyang umalis ay muli siyang lumingon. "Mahal ko si Lorraine at walang ibang makakapigil sa pangarap kong mapasaakin siya. Siya lang ang gusto kong maging asawa, at ina ng magiging anak ko. At maging ang gusto kong makasama sa habambuhay." - katagang ayaw ko man marinig sa kaniya at tuluyan na niyang sinabi sa akin.

Masakit pala talagang magmahal ng lalaking may mahal ng iba. Napakamalas ko talaga sa pag - ibig kahit kailan.

[ END OF ELIENE POV ]

RENZ POV.

Minsan talaga, problema ko ang pagiging gwapo. Sobrang hirap, lahat ng mata at atensyon na sayo. Sali ko na rin yung mga nagkakagusto at nagkakandarapa sa akin.

Pero wala naman akong pakialam sa kanila, ang importante sa akin ay si Lorraine. Kahit bilyon - bilyong babae pa ang magkagusto sa akin, hindi ko pa rin ipagpapalit si Lorraine sa kanila.

Kahit pa sila na ang pinakamaganda, pinakamayaman, pinakamaimpluwensya sa buong mundo. Si Lorraine pa rin ang mamahalin at pakakasalan ko balang araw.

Kahit marami ang humadlang at tumutol, gagawin ko ang lahat para ipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya.

And that wasn't just a promise, but that's also my duty and goal as her boyfriend, bestfriend.

And soon to be fiance.

Bigla akong napangiti sa isiping ilang saglit na lang magiging fiance ko na siya.

Kinikilig ako and at the same time ay sobrang excited na.

I decided na umuwi na lang ulit sa mansion. Ilang oras na lang, magkikita na naman ulit kami ni Lorraine.

Maingat at dahan-dahan akong nagmaneho pabalik sa mansion ng magulang ko.

Minutes later...

Kasalukuyan akong nasa bahay, nakaupo sa sofa at kinakausap ng magulang ko.

"But I already have a girlfriend na po, Mom and Dad." - paliwanag ko.

"And who's that damn woman?" - tanong ni Dad.

"Lorraine Khate Madrigal po." - magalang kong sagot.

"As in yung bunsong anak nung namayapang mag - asawa na sina Mr. and Mrs. Madrigal? Yung nangunguna sa larangan ng negosyo?"

"Yup, anak nga po nila ang kasalukuyan ko ngayong girlfriend. Mahal ko po siya, Mom and Dad. Kaya please lang po, huwag ninyo na po akong ipagpilitang ipakasal sa babaeng hindi ko naman mahal at babaeng wala akong alam maliban sa impormasyong bayolente siya."

"Pero unti - unti ng nalulugi ang negosyo ng pamilya Montefalco, at ang tanging paraan lang ay ang maipakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon."

"What the hell, Mom? Ayoko sa babaeng yun. Okay?"

"Hindi, sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal kayo yun lang ang paraan para ma-save ang kompanya nila. At bilang kabayaran na din sa naitulong nila nang sa ganun ay hindi naman tayo magkaroon ng utang na loob sa kanila."

"At ako ang naisip ninyong pambayad? Wow naman, Mom and Dad. Isusuko ko na lang ba ang babaeng mahal ko para lang diyan, sa tinatawag ninyong utang na loob?"

"Kung kinakailangan, bakit hindi?

"Ayoko, hindi pwede."

"No more argument. Our decision is final. You need to break your girlfriend's heart and marry the girl we want for you. And that's the end of our conversation." - Dad.

Iniwan nila akong tulala. Habang pinipilit na pinaprocess sa utak ko ang mga sinabi nila sa akin kanina.

Hindi ko masikmura na papakasal ako sa babaeng yun. Pero sa halip na problemahin ang walang kwentang bagay na yun. Tumayo na lang ako at dumiretso sa kwarto ko.

Inayos ko muna yung regalo ko para kay Lorraine. Kinuha ko ang sing - sing at nilagay sa kulay pulang box na maliit. Habang ang kwintas, hikaw at maging ang pulseras na binili ko ay nilagay ko sa hindi gaano kalaking lalagyan ng mga accessories.

Pagkatapos ay hinanda ko na ang susuotin ko. Kinuha ko ang towel, mabilis na tinungo ang banyo. At sinimulan ko na ang paliligo ko.

Nang matapos ay sinuot ko na ang damit panlakad na hinanda ko. Sinuot ko na rin ang sapatos ko. Nagsuklay ng buhok, tinignan ang sariling repleksyon sa salamin sabay pogi sign.

"Yan pogi na naman ako." - wika ko sa sarili habang may abot-tengang ngiti na nakaukit sa labi ko.

[ END OF RENZ POV ]

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now