LORRAINE'S POV.
Agad naman akong nagising dahil sa lakas ng tunog ng bell. Muntik pa akong mahulog, remember umakyat ako sa puno just to relax and sleep. Pero mukhang mapupurnada yun.
30 minutes lang kasi ako nakatulog, more to be like parang umidlip lang ako. So, I decided na bumaba na lang.
Dahan-dahan, at maingat akong bumaba, pero hindi pa man ako nakakababa ay aksidenteng namali ako ng hawak at nadulas ako. Kaya naman napapikit na lang ako at hinintay na tumama ang likod at puwet ko sa semento. Pero laking gulat ko na lang ng pagmulat ko ng mga mata.
May isang lalaki ang sinalo ako at hindi hinayaang mahulog. Masakit din yun noe.
Ibinaba niya naman ako ng maayos, at dahan-dahan.
Hindi na ako nag-abalang magpasalamat kumaripas agad ako ng takbo at hindi na siya pinagtuunan pa ng pansin.
Bakit pa niya ako tinulungan?
Bakit hindi niya na lang ako hinayaang mahulog?
Bakit nandoon siya sa secret garden ko?
At anong ginagawa niya dun?
Yan yung mga gusto ko pa sanang itanong sa kaniya, pero galit pa rin ako sa kaniya.
Pinagpalit niya ako not knowing na may dahilan naman ako.
Pinili niyang papakasal siya sa iba, not knowing what really happened between to Dennis and me that night.
Naniwala lang siya sa lahat ng nakita niya, not knowing my side.
Lakad.
Takbo.
Lakad.
Takbo.
Lakad.
Takbo.
Yan lang ang paulit-ulit kong ginawa. Nang medyo malayo na ako sa secret garden, saka ko naisipang huminto.
Naglakad na lang ako patungong cafeteria.
Bumili ako ng mineral water. Napagod at hiningal din kasi ako sa ginawa kong pagtakbo."Here take this." - abot sa akin ng pamilyar na boses.
"Huh?" - tanging sambit ko lang.
"I said, take this." - ulit na sabi nito. Wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ang ibinigay niya.
"Good." - nakangising sabi niya at paalis na sana siya ng pigilan ko siya.
"Wait."
"Yes, Miss Madrigal?"
"Salamat nga pala sa pagsalo mo sa akin kanina, at sa pagbigay nito." - at pinakita ko ang mineral water na bigay niya.
"It's nothing. Just don't mind it, be careful and don't run again. Ako lang toh, di naman kita kakainin not unless gusto mo rin?" - alam ko nagbibiro lang siya pero wala akong oras para sa mga banat niyang pinaaasa na naman ako.
"Hoy lalaki, hindi porket pinigilan kita at nagpasalamat ako sayo. Okay na tayo. Tsk, umalis ka na nga."
"Aalis ako pagkatapos kong masabi sayo toh." - seryosong sabi niya at unti-unting lumapit sa gawi ko. "Mahal kita, Lorraine pero sinayang mo lang ang tiwalang ibinigay ko sayo. Ngayon, magsisi ka dahil kahit kailan hinding-hindi na ako babalik pa sa piling mo." - bulong niya. Unti-unting namuo ang luha sa mata ko. Anytime, ready na itong pumatak.
Pinigilan ko ang sarili kong lumuha at pigil hiningang tinitiis ang masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. Aalis na sana ako, nang bigla ay niyang hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit."Ito na ang huling beses at araw na makikita mo ako. Goodbye, Lorraine." - at tuluyan na ngang pumatak ang luha sa mga mata ko. Umiling ako at pinunasan ang luha Kong patuloy sa pagtulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/274397553-288-k946465.jpg)
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
Художественная прозаA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...