LORRAINE'S POV.
Sakto 7:30 ng gabi nang nakarating kami sa lugar kung saan kami magkikita ni Renz.
Inalalayan ako ni Mike sa paglabas ko sa kotse.
"Okay na ako dito, Mike. Maaari mo na akong iwan. Kaya ko na toh." - ani ko.
"Salamat nga pala sa paghatid, Mike." - pahabol na sabi ko pa.
"Wala yun, bye. Siya nga pala, Rhaine mag - iingat ka ah at tawagan mo kaagad ako kapag pauwi ka na. Maliwanag ba?" - bilin ni Mike sa akin bago tuluyang lumisan.
Tumango na lang ako as sign of my response.
Bumuntong hininga ako para alisin ang kabang bigla-bigla ay nararamdaman ko.
Kinakabahan ako na medyo excited.
Kinakabahan dahil hindi ko alam kung magiging enjoy, masaya, unforgettable ba ang date naming ito o may hindi magandang mangyayari?
Pero ganun pa man...
Excited pa din naman ako, kasi nga makikita ko na naman siya.
Makakasama at nakakausap ko na naman ang lalaking mahal ko.
Kinalma ko ang sarili at pinilit kong baliwalain lahat ng pangamba, takot, kaba na nararamdaman ko.
Nang makahinga ng maluwag, and all of my doubts and worries about him and to what will happened now are gone.
Pumasok na ako sa loob ng restaurant habang mahigpit na nakahawak ang dalawang kamay ko sa dala-dala kong sling bag.
"Wow!" - Hindi mapigilang bulalas ko nang makapasok na ako sa mismong entrance ng restaurant. Pinasadahan ko ng tinggin ang paligid.
Ang ganda - ganda.
Grabe! Sobrang nakakamangha.
Mula sa entrance na nilagyan pa ng red carpet.
Sa gilid nito ay nagkalat ang mapupulang rosas.
Naglakad ako papunta sa pader may kung anong nakikita kasi akong sticky notes na nakadikit.
Binasa ko ang ilan sa mga nakasulat.
"Ang ganda naman ng girlfriend ko." - sabi sa sulat. Ewan ko, pero bigla akong napangiti.
"Kung halimbawa man, mahuli ako ng dating tandaan mo pupunta pa rin ako at sana maghintay ka noh." - this time napahagikhik na ako. Panu ba naman kahit sa ganitong sitwasyon nakuha niya pa rin ang maging bossy.
"Mahal na mahal kita, kaya sana huwag mong sasayangin ang pagmamahal na ibinibigay ko sayo ngayon." - I know right. Mahal na mahal din kita, Renren ko. Kaya napaka imposimble na sayangin ko lang ang pagkakataon na toh.
Pagkatapos kong basahin ang nakapost sa pader - kanang bahagi.
Naglakad naman ako papunta sa kaliwang bahagi ng pader na kung saan may mga nakapost din na litrato ko, litrato niya, at mayroon din yung magkasama kami.
Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.
Yung picture saan magkadikit ang labi namin.
Ito yung araw na sinagot ko siya at bigla niya ako hinalikan. Sino kaya ang kumuha ng litrato na toh?
Kung sino man siya 'thank to him/her'.
Ganda nagustuhan ko. Ang sweet kaya namin ditong tignan. Tila wala kaming problema na iniinda at tanging pagmamahalan lang ang nasa isip namin.
This time, naglakad na ako papunta sa table na mayroong pandalawahang upuan.
Iginiya naman ako ng waiter sa magiging upuan ko.
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
Fiksi UmumA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...