LORRAINE'S POV.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Antok pa man ay bumangon na lang ako. Nagstretching at kinusot-kusot ang dalawa kong mata. Tumayo ako at niligpit ang pinaghigaan ko.
Muntik pa akong matumba pero mabuti na lang at nakahawak agad ako sa kalapit na study table nitong kama ko.
Napahawak ako sa sentido ko at pinilit kong alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Pero bigo ako, kaya kinuha ko na lang ang towel. Dumiretso sa banyo upang gawin ang body routine ko.
Take a bath✓
Bihis ng damit✓
Suklay ng buhok✓
Make up✓
Tinggin sa salamin✓
Cologne✓
Suot ng sandal✓
Sukbit sa sling bag✓
* * *
Atsaka ako lumabas ng kwarto ko.
Dumiretso ako sa kusina.
Sakto namang naabutan ko sila Kuya, at Ate na nag-aalmusal.
"Morning." - walang gana kong bati.
"Good morning, sis."- sagot ng kambal kong si Eliene.
"Good morning, Princess."
"Good morning, Lorraine."
"Morning din. What with the face?" - bati at diretsong tanong ni Kuya Mark.
"Nothing, bro." - sagot ko lang.
At nagsimula na nga po akong kumain.
Nag-uusap sila kuya at ate habang kumakain, habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila. Wala akong mood para makisali pa sa usapan nila.
Nang tapos na akong kumain at magsipilyo ay nagpaalam na agad akong aalis na.
"Excuse me, Kuya at Ate. Aalis na po ako, malilate na po kasi ako sa class ko."
"Sure princess, mag-iingat ka."
"I will, kuya. Bye po."
* * *
Sa School.
"Anyare bes, ba't ngayon ka lang?" - bungad na tanong kaagad ng kaibigan kong si Sam sa akin.
"Wala, bes." - minabuti kong huwag na lang magkuwento sa kanila.
"Btw, malapit na last exam natin. Ano plano ninyo?" - tanong ni Christine.
"Mag-aral ng mabuti?" - patanong na sagot ni Rhica.
"Magri-review, malamang." - sagot naman ni Thalia.
"Group study na lang us sa house namin." - singit na sagot naman ni JP sa usapan.
Habang ako nakikinig lang sa kanila. Hindi ko magawang makisali sa usapan nila.
Hindi dahil sa kill joy ako or what.
Pero may sarili din kasi akong isipin.
At hanggang dito sa school ay binabagabag pa rin ako ng isipan ko, tungkol sa sinabi nung babae sa akin.
"Oh, talaga? Kaya pala maging kapatid mo tinatraydor ka. At hindi na ako magtataka, masyado ka kasing pabaya at kampante. Tuloy akala mo walang gagalaw sa nobyo mo. Pero sana naman imulat mo iyang mata mo na hindi porket nasa iyo na. Ikaw na ang pinili at minahal, habambuhay nasayo na rin. Life is not like that kung alam mo lang. Kaya tigil - tigilan mo na din ang pagiging malandi mo noh. Para naman hindi ka napag-iiwanan ng ganyan."
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
Tiểu Thuyết ChungA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...