DENNIS' POV.
Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon papunta sa ospital kung saan naka-confine si Lorraine. Dumiretso ako sa nurse station at tinanong ang number ng kwarto ni Lorraine.
Agad naman sinabi ng nurse ang number. Kinindatan ko lang siya at mabilis na siyang iniwan na bakas sa mukha ang kilig, saya at pagkagulat.Girls be like. Tsk, hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at mabilis akong naglakad papunta sa kwarto kuno ni Lorraine.
Nang nasa tapat na ako ng nasabing kwarto ay kumatok na muna ako. Pero dahil wala namang nasagot at nagbubukas ng pinto para sa akin. Ako na lang ang nagkusang buksan ito at pumasok sa loob.Mula dito sa kinatatayuan ko, kita ko ang babaeng pinakamamahal ko na mahimbing na natutulog. Lumapit ako, umupo sa gilid ng kama niya. Pinagmasdan ang mukha niya, naaakit akong halikan siya pero wala na akong karapatan dahil hindi naman na siya sa akin. Ganun pa man handa akong gawin ang lahat para sa kaniya, at para bumalik lang siya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya sabay haplos dito. "Miss na miss na kita, please gumising ka na. Huwag mo akong iwanan." - hindi maiwasang sambit ko sa kaniya though I know na hindi niya ako maririnig. Kasi himbing na himbing siya sa kaniyang pagkakatulog.
"Mahal na mahal kita, Lorraine my babe. Please wake up and be at my side again." - at muli umiyak na naman ako.It's been two weeks since her private doctor said the good news same also the bad news to us. And it's true na matatagalan nga ang muling paggising nito. Pero ang ikinatatakot ko paano kung hindi na siya magising? Iiwanan niya na ako? Iiwanan niya na ang mga kapatid niya?. Iiwanan niya na ang mga kaibigan niya? Nope, hindi ako makakapayag.
Marami pa akong gustong sabihin sa kaniya na kung naging matapang lang sana ako noon ay nasabi ko na agad. Pero pinangunahan ako ng takot at pangamba na baka totohanin ng magulang ni Sam ang banta sa buhay ng pamilya Madrigal. Kaya wala akong nagawa kundi um-OO. Pero lahat ng yun ay pinagsisisihan ko na, mahal ko si Lorraine at mananatiling siya lang ang mahal ko habambuhay.
[ END OF DENNIS' POV ]
LORRAINE'S POV.
Unti - unti kong iminulat ang dalawa kong mata.
'Bat puro puti ang nakikita ko? Patay na ba ako?
Kinapa ko ang katawan at ang maging mukha ko. Kinurot ko na rin ang sarili ko. Buhay pa naman ako. Marahil ay nasa ospital lang ako. Pero bakit?
Anyare ba? Bat ako nandito?
Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari pero bigo ako kasi bigla na lang sumakit ang ulo ko. Dahilan para mapasigaw ako sa sobrang sakit.
'Aaaaahhhhhhhhhhhhhhhh' - sigaw ko. "Lorraine? Lorraine gising ka na." - masaya ngunit may pag - aalalang sabi niya na kung hindi pa niya nagawang magsalita ay hindi ko siya mapapansin. Hinawakan ko ang masakit na parte ng ulo ko. "Tawagin mo ang doktor, please."
Agad naman siyang tumayo, nagpaalam at lumabas ng kwarto ko para tawagin ang doktor. Mayamaya lang, dumating na din kaagad ang lalaki at ang doktor maging ang nurse na mag - aasikaso at titinggin sa kalagayan ko.
One hour ago...
"Tommorow morning. Pwede ka ng ma-discharge. But don't pressure yourself to remember everything just in one day. Take it slow, and let the times, days decide on how and when will you remember everything." - bilin ni doktora sa akin bago tuluyang lumisan.
"Lorraine"
"Rhaine"
"Khate"
"Besh"
Sabay - sabay na sigaw ng mga kapatid at kaibigan ko.
Agad silang kumaripas ng takbo patungo sa gawi ko at niyakap ako ng sobrang higpit."Namiss kita, Lorraine." - sabi ni Kuya Paulo.
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
Ficción GeneralA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...